Skip navigation

 

 

Mali nga siguro na minahal kita kaagad…

Mali nga sigurong nagtiwala ako sau ng ganun na lang…

Mali nga sigurong hinayaan kong bumuo ng plano kasama mo sa maagang panahon…

Mali nga siguro ng pinapasok kita ulit sa buhay ko…

Mali na hinabaan ko ang pasensya ko sa lahat ng pagkukulang mo…

Maling maging dahilan ang pagkukulang ng past relationship ko…

Maling ang naging panuntunan ko lang eh ang mga bagay na meron kang wala sa past relationship ko..

Mali na pinaniwalaan ko lahat ng sinabi mo sa akin…

Mali na naniwala akong mahal mo ako…

Mali na suportahan ka sa mga gusto mong gawin..

Mali na pinalagpas ko lahat ng maling ginawa mo sa akin…

Mali ata mula umpisa…

Kaya mali din hanggang sa huli…

 

Pero tama…

Tama na minahal kita agad, kasi hindi ko pagsisihang pinakita ko sau pano ako magmahal…

Tama..kasi nakilala ko pa ang sarili ko…

Tama kasi nakita ko kung gaano ako ka swerte sa pamilyang kinalakihan ko..

Tama kasi mas nakita ko ung worth ko as a person, as a partner…

Tama kasi inopen mo ung mga mata ko..matang nabulag ng minahal kita…

Naging tamang wakasan na ang relasyong one-sided lang…

Tama na tapusin na kasi mula simula hindi na magwowork out pa…

 

Salamat sa memories..kahit kalahati nun eh nagbibigay sa akin ng dahilan para umiyak at manghinayang, pero ok na din un, kesa patuloy mo akong saktan at dumating isang araw sukdulan na ang maging galit ko sau. Hiling ko lang, maging masaya ka sa kung anong responsibilidad meron ka ngaun, at paalala lang wag kang papasok sa isang relasyong hindi mo kayang panindigan, mapa normal na relasyon or long distance man, gawin mo, wag puro sa salita lang….

 

 

Dati may ginawa na akong post about the qualities I have to be a good girlfriend, naisip ko lang ulit ngaun ung tungkol dun dahil na din sa mga pinagdaraanan ko ngaun.

While reading again what I posted in that entry, somehow some question pop up into my mind.

First thing I written there is being kind, being kind for me ay natural na, kahit hindi siguro sa boyfriend ko mabait naman talaga ako, for friends, family, co-worker and all the people around me, kahit pa inaaway na ako, may pinch of kindness pa ding umiiral sa akin, and now that I’m struggling in my relationship, naisip ko minsan, hindi rin maganda ung masyado kang mabait, masyado kang maunawain, ung halos pagbigyan mo na lang sya palagi, kasi ang lumalabas martir ka na, nagbubulag-bulagan ka na, which I realize now, I would admit naging blind ako sa relasyong pinasok ko, ung sinasabi ko na lang palage sa sarili ko na isa pa, isa pang chance, ganun lang sya kasi ganito kami, kasi may problema na ganun etc..etc.. now I realize, maling maging mabait sa taong hindi naapreciate ung hirap mo, he would always say he knows my effort but he would not do anything to win me back pag may tampuhan na kami, mahirap maging mabait kasi in some way naabuso na, at minsan nasasaktan mo na ung sarili for being too much considerate sa lahat ng reasons nya sau, ngaun lang naubos ang kabaitan ko sa isang tao, at ang masakit dun pa sa taong minahal ko.

Second thing, is explaining my point in an issue. Sa relasyon naming dalawa, pag napupuno na ako sa mga pagkukulang nya, I will explain the situation, make him realize na hindi dapa ganun, dapat ganito, kasi nasasaktan ako. Sa ilang months naming relasyon, sinikap kong hind imaging ganyan, kasi I’ve thingking pa din ung ego nya as a guy, na alam ko in some way nasasagasaan ko na kung minsan, pero anong gagawin ko eh nasasaktan na ako, and pag ginawa ko na un na nagsesermon sa kanya, tatahimik na lang sya, hindi na ako lalambingin. Sinabi ko na sa kanya minsan hindi sya marunong manuyo, kailangan din naman sa isang relasyon ung lambing, ung suyuan, para mas maging maganda ung samahan, pero pasensya na lang ako wala sya nun eh, ginagawa ko na lang pag ganun, Oo-Oo na lang at kakalimutan na lang, pilit kong kakalimutan un, pero bumalik ung feeling pag ginawa nya ulit, lageng isasagot sa akin, ganun lang talaga sya, nakakapagod ng umunawa, umunawa lage…

Ung ibang trait wala namang masamang epekto sa naging relasyon namin, pinaka punto lang nito, mahirap pag sobra na, masakit pag lage na lang, masakit mag mukhang tanga sa harap ng minamahal mo, at pinaka punto ko dito, mahirap magmahal ng isang taong ayaw mag take ng risk, takot masaktan dahil sa nagmahal sya, at sasabihin kong malas ko lang kasi ako ung tinamaan nun, ung phase ng buhay nya na takot na syang magmahal ulit, takot maiwan ulit, malas mo Lisa! Malas mo!

 

 

hello musta na ba? Wala na akong balita galing sau ah, but anyways it’s ok, ganun lang talaga ang buhay, may dumadating at aalis din naman. Parang kelan lang ng muli kang bumalik sa buhay ko, hindi ko pa pinansin nung una kasi hindi na nakasave pa ang number mo sa akin nung mga time na un, dahil na din sa mga nangyari a year ago ng hindi ka na ulit nagparamdam pa sa akin.

Nung bumalik ka, I got shock pa kasi I’m not expecting na kilala mo pa ako, and still have a memory of what happen a year ago ng una taung nagkakilala. Nung bumalik ka three months na ang nakakalipas, kala ko nun simpleng pangangamusta lang ang gagawin mo, and mawawala ka din after tulad ng ginawa mo noon, pero hindi pala, sinabi mo sa akin na namiss mo ako na you have feelings for me,, you keep all that feeling,  knowing that I’m not healed from the past relationship I had nung una taung magkakilala, I was truly shocked on how you explain yourself to me, na kung ano ang reason mo at inabot ka ng halos isang taon bago mo ako ulit binalikan at magkaroon ng lakas ng loob na kausapin ako at ipagtapat ang feelings mo para sa akin. Nagtagumpay ka naman sa pagbabalik sa buhay ko, because I permitted you to go in into my life, madali but I know I done a good decision.

So after ilang araw nga ng pakikipagcommunicate mo sa akin ginawa kong formal ung relasyon natin, knowing you have the qualities that I’ve been looking for a guy and a partner. Masaya ung mga sumunod na araw, eventhough hindi madalas nagkikita, nagtake pa rin ng effort para maging masaya kahit paano as a couple.

Days, weeks has passed by, and still malambing at sobrang tamis pa din ng pagsasama natin as a couple, up to one instance na medyo oh hindi na medyo sasabihin ko, kung hindi nasaktan talaga ako ng husto, ung first time na planong pagpunta mo dito, that time sobrang sakit para sa akin, kasi in that way I feel that I’m not important, I feel na wala lang ako, parang sinabi mo sa harapan ko na “sino ba ako??” pero after sometimes at pag-iisip na din, ginawa kong palagpasin un, ginawa kong unawain un, kasi mahal kita kasi ayaw kong mawala ka pa. then, after a week you finally visit me dito sa dispensary pero sandali nga lang at may mga kasama ka pang iba, but sa akin ok lang un, I know how to live here sa Saudi and I will understand kung ganun ang nangyari. We continue the sweet relationship, building a plan for the both of us, plano dito plano dun, nakaabot na nga na halos yayain mo na akong pakasalan. I thought wala ng hangganan lahat ng un, wala ng magiging problema pa, but hindi ko alam mostly every month nagkakaron tau ng tampuhan, tampo na ako ang nagsisimula, I will accept that na ako ang nagsisimula talaga but with a reason naman, minsan mababaw pero for me importante kasi un sa isang relasyon, sa pagkakaintindi ko sa relasyon na boyfriend at girlfriend.

Eto ung ilan sa mga instance na kinakatampo ko sau, pag nakakatulugan mo ako, at saglit lang kita makausap after ng work mo. Nung nasa site ka pa, mula nung sinabi mo sa akin naipagbabawal na ang pagdadala ng phone sa site, inintindi ko un, wala naman akong magagawa tungkol dun kasi company policy na un,so usapan na lang pagkauwi mo sa kampo dun tayo mag-uusap, ilang buwan ding nakakondisyon ang utak ko sa ganung set up natin, kaya ko naman kinakatampo ung pag saglit na lang kita makausap like instance na pagdating mo ask kita kung kumain ka na, pag hindi pa, pinapakain muna kita expected na ilang minuto lang un, then tatawag ka na ulit para mag-usap tayo, may mga instance kasi na bumili ka lang ng pagkain, tapos dun sa daan may nasalubong ka na kakilala ayun at naubos na ang halos kalahating oras sa pakikipagkwentuhan, pagbalik mo sa pagkausap sa akin, konting oras na lng at inaantok ka na, no choice naman ako kung hindi patulugin ka na kasi alam ko maaga pa din ang pasok mo kinabukasan, halos ilang oras lang ang itutulog mo, so sa care ko sau kahit nasasaktan ako sige na lang kasi kawawa ka naman. Pag natutulugan mo ako, ilang beses na din un, pero pagkatulog alone eh hindi naman masyadong issue sa akin, alam ko at naiintindihan ko na sobrang pagod ka sa trabaho at pagkauwi lang talaga masandal lang tulog na, kakatampo lang kasi ganun lang un for you kahit hindi ako makausap ng isang araw ok lang, which is opposite for me, hindi kita makausap ng isang araw is like a suicide for me, sobrang miss na kita after nun, but anong magagawa ko yan ang difference natin sa work, kaya iniintindi ko na lang.

Isa din sa major na pinag-awayan natin is ung hindi ka nakauwi ng kampo at sa site ka na natulog, forgiven na un na hindi mo dala phone mo, hindi mo alam at kabisado ang number ko, but my point is kung ako mahalaga for you, at inintindi mo ung pag-aalala ko sau, you would do anything just to get my number and to called me, mabawasan man lang ung pag-aalalang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong nangyari sau, kung may masama na bang nangyari, at kung ano-ano pa, kasi ako nung mga time na un, gagawa na talaga ako ng paraan na makuha ung number mo sa opisina para lang magkaroon ako ng idea kung nasa maayos ka ba or hindi, ganun ang gagawin ko just to reach out for you nung mga oras na un. Pero after nyan, tiis pa din ako, inintindi pa din kita kasi mahal kita and part ng trabaho ung nangyari, so tapos na ung instance na un.

Last at recently lang na sobrang pinag-awayan natin, ung communication pa din, nasabi mo sa akin na maililipat ka na sa kampo nyo malapit un sa accumudation nyo, at dun pwedeng gumamit ng telepono, so akala ko babalik tau sa dati before nung nasa site ka pa na allowed pa nila ang pagdadala ng phone sa opisina, pero nagkamali ako, naging worst pa, kasi lumilipas ang buong maghapon at magdamag na wala akong naririnig from you, minsan kung hindi pa ako ang tumawag sayo pag may free time ako hindi kita makakausap, taz sumabog na ako ng minsan nakatulugan mo ako ulit taz kinabukasan ni isang text or tawag man lang wala akong narinig sau, alam mo ung feeling na wala lang ako, gf ako pero parang invinsible.

Hindi ung sense lang ng isang text isang tawag ang ibig sabihin ng mga yan sa akin, sa isang text or tawag na galing sau napaka importante na un for me kasi it signifies na naalala mo ako, na mahal mo ako, na concern ka sa akin na importante ako sau,pero sau parang wala lang, sau na mismo nanggaling na ang babaw ng dahilan ko, ang babaw ng kinakagalit ko.

For three months that we were together, I manage na ako ang mag give in lage, ako ung lageng umintindi, unawain lahat ng pinagdadaanan mo para lang maging masaya ang maging samahan natin, kala ko kakayanin ko lahat ng un, hanggang dumating ung time na magkakasama tau ng normal pag uwi mo ng pinas, pero hindi pala ako tatagal na ako lang ng ako, mapapagod din pala ako sa pag intindi sau, kakayanin ko pa sana kung kahit konting effort merong manggaling sau pero wala eh.

Kaya importante sa akin ung communication ko sau kasi una, hindi tau madalas nagkikita hindi tau nagkakasama unlike kung nasa pinas na tau na kahit anong oras pwede kitang Makita at makasama, eh alam naman natin na nandito tau sa Saudi at napaka hirap dito ung sitwasyon ng mag boyfriend pa lang kasi hindi allowed pag hindi pa kasal na magkasama ung lalake at babae. I wanted to have a good and strong communication sau para mag work out ung relasyon natin, na kahit malayo ako sau alam at ramdam mong hindi kita iiwan at pababayaan, na buo at tapat ung pagmamahal ko sau, na kahit anong mangyari dito lang ako for you, kahit ano pang pagdadaanan mo at nating dalawa nandito lang ako at mamahalin at susuportahan kita. Na tulad ng sabi mo sa akin, na hanggang dito lang tau ganito na at pag dumating na ung time na magkakasama na tau sa pinas dun na natin mabubuhos lahat ng hindi natin magawa dito sa bwisit na lugar na ‘to.

Pero sa mga nangyayari ngaun parang hanggang dito na lang tau, wala na ung mga plinano mo for me, wala na lahat, hindi ko na alam kung nasan na ako ngaun, maraming tanong sa isip ko na hindi ko masagot tanging nararamdaman ko lang ngaun eh nasasaktan pa din ako, lageng tanong sa sarili bakit mo ginawa sa akin ‘to, bakit bumalik ka pa, bakit sinimulan mo ulit, kung ganito lang ang gagawin mo sa akin, hindi naman kita niloko, hindi naman kita sinamantala, hindi naman kita pinaglaruan lang, bakit??? Bakit???

Nakakasakal nga siguro ung mga ginawa ko na sau recently, nakakarindi lahat ng naririnig mo sa akin, nawala na kasi ung masayahin at malambing na Lisa na nakilala mo, napagod na sya, kasi hanggang sa dulo hindi nya maramdaman ung importansya nya sau, lageng nararamdaman ko ung kulang, yung pag-iwas mo sa akin, ung mga dahilan mo bakit ayaw mong magkaron ng steady na communication sa akin, nasabi ko na sau ‘to sa text ko noon, at sasabihin ko ulit, hindi ka mahirap mahalin, you have the qualities na magugustuhan at hahanap hanapin ng isang babae sa partner nila, but kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo hahayaang pumasok ung tao na un sa puso mo, eh hindi talaga sya magtatagumpay, mapapagod talaga sya na magpumilit sa pintuang ayaw namang magbukas para sa kanya, may kanya-kanya taung heartache na dinaanan sa buhay hindi lang ikaw, ako din naman meron na din akong mga minahal na hindi rin ako minahal kinalaunan, but I’m more willing to open my heart sa mga dumadating, give them a chance to take a place in my heart, kahit kapalit nun ang hindi kasiguraduhan na magtatagal sya sa piling ko, kasi baka pag ginawa kong sobrang higpitan ang puso ko, baka ung nilaan na sa akin ni papa jesus eh mapagod at lumagpas ng hindi ko namamalayan, hindi na ako magiging masaya pa. but for your side hindi kita masisisi, maybe that pain truly hurt you deeply and your guarding yourself for another heartache, and malas ko lang na ako ung nakaranas nun, ako ung hindi mapagbuksan ng puso na yan.

Pero eto na lang ang sasabihin ko sau, when you came kahit hindi pa kita kilala ng lubusan I take chance on you, expecting na hindi ka katulad ng ibang lalake dito sa Saudi na iba ka, na seryoso ka, maybe in a way seryoso ka nga sa akin but hindi pa siguro handa ung puso mo mag take risk hindi pa siguro ako ung talagang ititibok nyan baka may iba pa, for me, minahal kita muntik na ngang maging sukdulan eh, I did my best to ensure you na tunay ung nararamdaman ko for you, I sacrifice mostly just to work this relationship, pero it seems kulang pa din for you, I know you have family probs now, kung ang paglayo mo sa akin ang makakatulong sau sige na tatanggapin ko na kahit sobrang sakit sa akin na iwan mo akong nakahang sa ere, na hindi ko alam kung anong istado ko sau, kung ano na ang estado ng relasyon natin, wag sanang mangyaring isang araw pag natapos mo na ang dapat mong tapusin at bumalik ka sa akin at hingin ulit ang pagmamahal ko, baka hindi ko na maibigay tulad ng naibigay ko na sau ngaun, kasi sobrang nasaktan na ung puso ko sa ginawa mo, kasi kahit pilit kong intindihin at unawain ung hiningi mong space sa akin hindi ko pa rin sya maintindihan, hindi ko alam kung sa pagbabalik mo, kung babalik ka man, ay magagawa ko pang mahalin ka ulit ng ganon kadali, ng buong buo, kasi this heart that you once own was truly destroy and unti unti ko pa lang syang binubuo para maging normal muli ako at maging handa sa susunod na ipagkakaloob ng panginoon sa akin, kung ikaw man un, it will take time siguro bago ko tanggapin ulit, I will make sure na hindi mo na ulit masasaktan pa ulit ang puso ko.

Sa huli, I’m wishing and praying for all the problems your going thru, may god give you all the strength you needed para maayos ung mga problema nyo, hindi mo man piniling maging sandalan ako sa mga panahon na ‘to ok lang, see you when I see you, sana itadhanang magkita pa din tau sa pinas or sa ibang lugar….pero hindi natin alam kung hanggang kaibigan na lang ba or isang ka-i-bigan ulit, basta  ingat na lang lage…see you….

 

 

It’s been one week now mula nung magkatampuhan tayo ng todo, isang linggo ng mabigat ang loob ko sau, kala ko kahapon ng umamin ka kung ano talaga ang tunay mong problema eh magiging ok na din ako, hindi pa pala.

Mahirap pa la ung feeling ng naka hang ka lang, hindi mo alam san ka patungo, kung may aasahan ka pa ba or wala na… pinaka masakit sa lahat ung feeling ng minahal kita agad, nagtiwala ako agad, feeling ko ngaun sobrang baba ko, feeling ko napakatanga ko.

Hirap kasi hindi ko makuha ung point mo, hindi ko maintindihan ung prinsipyo mo, hindi ko maintindihan lahat, bakit kailangan akong masama sa gulo na dapat naman hindi. Tulad ng sinabi ko sau, sana hindi mo na lang sinimulan, sana hindi ka na lang bumalik ulit, sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo ako, sana hindi na lang lahat, sana hindi ganito ang nararamdaman ko.

Siguro nga you have a purpose kung bakit ka dumating sa buhay ko, kung bakit ginusto ni god na mangyari lahat ng ito, gusto nyang matututo naman ako, dami ko na kasing katangahan sa buhay, dami ko ng mali na nagawa when it comes sa love, lage na lang nagpapakatanga, lage na lang sinasabi sa sarili na kung sino man ang dumating pipilitin kong I worked out, pero mali pala un, mali palang basta basta na lang, mali pa lang pag meron sya nung wala nung past ko ok na un, mali pa lang magtiwala agad, mali pa lang magmahal ng taong hindi mo man lang kilala ng lubusan, mali pa lang magmahal ng taong sa umpisa pa lang hindi kana pinahalagahan, mali pa lang magmahal ng taong hindi ka kayang gawing matalik na kaibigan, ung hindi mahihiya sau, walang hesitation walang RESTRICTION mali pala lahat ng ginawa ko.

Pero nangyari na lahat, nagawa na lahat, ngaun kahit mahirap pilit kong babaguhin ang lahat, pilit kong ibabangon ang sarili ko, pilit kong babaguhin ung mga nakasanayan na, sabi nga ng lahat, bigyan ko na ng importansya ung sarili ko, mahalin ko na sya, wag ko ng hayaang masaktan pa ulit, matigas lang kasi talaga ulo ko, kasi akala ko, ok na sya, nagkakasundo na, pero hindi pa din pala.

So ngaun, I will let myself free from a commitment that I choose to be with you for the last three months, ok na din un, atleast naging masaya ako nung mga panahon na un, kahit alam ko katumbas ng sayang naramdaman ko nung mga time na un ay yung tagal ng sakit na hihilumin ko ngaun, durog na durog talaga ako ngaun, para akong sinasagasaan sa sakit, sa pagod…pagod na pagod na….

Aja Lisa….kaya mo yan….one step at a time and you will know makakamove on ka din, hindi nga lang madali, u know mahirap, mahabang proseso, pero alam mo balang araw makaka-usad ka din, career muna at pagtulong kala mama ang gawin mo, atleast by that you know in yourself you will experience to much happiness, kasi ung mga tao na un alam mong mahal ka talaga, they will not put you down ever..

And for our god, now lord I’m asking you again formore strength to continue my life, I know all the persons that you are giving to my life has it’s own purpose, kung ano man ung purpose nila, at the end ko pa malalaman, pero sa ngaun po, I’m asking for strength again, ilang buwan pa po ang ilalagi ko dito sa Saudi, ilang buwan pa ang ititiis ko para hindi ganung manghina, alam nyo pong wala dito ung lakas ko, ung mga sandalan ko, nandun sila sa malayo, tulad nga po ng sabi ng bestfriend ko, “wag mo hayaang malungkot ka, wag mong gawin ung mga nagagawa mo sa pinas, kasi wala kami jan, wala kami para saluhin ka, wala kami para alalayan ka, “  tama sya, wala ung mga kinukunan ko ng lakas para malungkot ako dito, aasahan mo lang dito sa bansang ito ang sarili mo, sarili mo ang aalagan mo, sarili mo lang ang aaruga sau, at ung sarili na un ang hahawakan nun ay ang patnubay niyo lord…please give me strength..enough strength for me to stand up again and be a happy and cheerful person again…..

 

 

 

Kahapon may humiling sa akin, mahalin ko daw ang sarili ko kesa sa kanya, mag-iwan daw ako ng kahit 20% lang para sa sarili ko.

Kahit sinong dalawang tao pag pumasok sa isang relasyon, may mga automatikong responsibilidad ka na sa kasintahan mmo, mga obligasyong hindi kailangang ipaalam at sabihin pa ng bawat isa, hindi isang rules na naka-outline na ito ang dapat at ito ang hindi, kusa na lang na naibibigay sa bawat isa.

Ung mga responsibilidad na un ginagawa ng mag partner to show their feeling to other one, ipadama mo na mahal mo siya even in your little ways, just to make him/her feel secure about your feelings.

Three months ago one guy came to me and telling how he feels for me, over a year we already meet, sandal lang nung mga time na un, then this year he came back and telling that he has fall inlove with me, ako naman, even hindi ko pa sya masyadong kilala, I let him in into my life, as days and months goes, kala ko sya na yung para sa akin, qualities I’ve been longing for ay nasa kanya naman na, first is being music attached and being responsible and hard working, katulad lang ng papa ko, lumipas ung mga buwan, may mga nangyayaring tampuhan pero natatapos naman din agad.

Recently, sobrang nagtampo na ako, same issue lang din naman as before na napag-awayan na, pero parang iba na ung nangyari ngaun, sumabog na ata kasi ako, on how many times kaming nagkatampuhan ganun din kadami ung ginawa kong pagsasawalang bahala sa tunay na problema.

I’m not literally revolving my world around him, hindi naman ako ung tipong nanakal na, dun lang ako sa ayos lang. sa set-up namin dito sa Saudi, tanggap ko na minsan hindi nya magagawa ung mga gusto kong mangyari, even nandito kami sa iisang lugar mahirap kumilos dito, open ang mga mata ko sa mga bagay na ganun, all I’m asking lang is just a little time for me, just that little time para maramdaman ko namang importante din ako, na hindi lang ako palamuting nasabing girlfriend mo, sinikap kong intindihin ung kalagayan mo sa trabaho mo, maawa na nga lang ako kung minsan kasi feeling ko, dumadagdag pa ako sa mga dalahin mo, sa halip na nagpapahinga kana nilalaan mo pa sa pagkausap sa akin.

And kahapon sinabi mo sa akin na sa nangyayari, pinapaikot ko na ang mundo ko sau, na hindi ko na mahal ang sarili ko kung hindi ikaw na lang, para sa akin, ung mga ginagawa ko is my duty and responsibility kasi girlfriend mo ako, kasi importante ka sa akin, walang kwenta naman siguro akong girlfriend kung hindi man lang kita kamustahin sa isang araw, kung buhay ka pa ba or hindi na. automatic na sa akin na mag care sau, automatic na sa kin ang intindihin ka, lahat automatic na lang na lumalabas at nagagawa ko kasi nga girlfriend mo ako eh, pero ikaw kailangan ko pang sabihin kailangan ko pang magalit at magtampo para lang paglaanan mo ng oras mo, hindi na nga full time ang hinihingi ko eh, konti na lang hindi pa rin maibigay sa akin.

Now nasabi mong mahalin ko naman ang sarili ko, sige kung yan ang gusto mo, hindi lang 20% ang ibibigay kong oras sa sarili ko, gawin ko ng 100%, kasi sa hiniling mo sa akin, para mo na ring sinasabing layuan na kita, wag na kitang mahalin kasi hindi mo naman kayang ibigay ung pagmamahal na sinasabi mo sa akin, hindi sapat ung makampante kanga lam ng partner mo na mahal ka nya, sa isang relasyon kailangang inaalagaan din, hindi ung nasabi lang na mahal mo, pero hindi mo naman pinapakita, para lang yang halaman na binili mo kasi gusto mo, pero hindi sya yayabong pag hindi mo inalagaan, hindi sapat na sabihin mo sa halaman na mamulaklak sya ng hindi mo sya dinidiligan, ng hindi mo binibigayan ng pataba ang lupang kinatataniman nya, tulad ng halaman, kahit hindi madalas pero dapat hindi mo dapat kalimutan ng matagalan na diligan at alagaan.

Siguro nga by chance na nakilala kita, at nakilala mo ako pero choice mo at choice ko na manatili sa relasyong ito, and choice kong alagaan ka pero sa ginagawa mo at prinsipyong hawak hawak mo, choice ko din ang kumawala at tuluyan ng mahalin ang sarili ko at maghintay sa tunay na ibibigay sa akin ng panginoon para alagaan at pahalagahan.

Eto ang mga linyang sinasambit ng utak ko ngaun, sa kasawiang palad medyo nagkatampuhan na naman kami ni kritz.

Napuno na ba ang pisi ni Lisa??? Napuno na ba ang mapagpasensya kong puso at utak???

 

Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot, ang alam ko lang ngaun, parang unfair na lahat ang nangyayari, sinisikap kong hindi umabot sa ganito ung mangyayari sa aming dalawa, pero parang hindi na kaya ng damdamin ko ang unawain pa ang lahat ng nangyayari, parang puno ang puso kong umintiindi, magparaya, at magbalewala.

Mahirap sa isang relasyon ung magsusukat ka kung sino ang mas nag-eefort, sinong mas nagbibigay, sinong mas nagpapakita ng pagmamahal, una pa lang sinasabi ko na sa sarili ko yan, na mahirap Lisa na hanapin mo ung sarili mo sa partner mo, na dapat ganito ung gawin nya, na dapat ganito, dapat ganyan, kasi kahit iisa ang tinitibok ng dibdib nyo para sa isa’t-isa literally pa rin eh magkaiba kaung dalawang indibdual na iba ng mga karakter at pag-uugali pagdating sa pag handle ng isang relasyon.

Una pa lang nagsisimula ang relasyon naming dalawa nabahiran na agad un ng tampuhan at disappointment galing sa akin, pero binalewala ko un, nasundan pa ilan pang instances un at still binalewala ko pa din, kasi ayaw kong tanggapin sa sarili ko na baka hindi pa talaga sya angpara sa akin, so I continue the relationship kahit alam ko sa sarili ko na kung hindi ako ang gagawa ng mga praan, matagal na sanang tapos ang relasyon naming dalawa, kung hindi ko nilawakan at ginawang manhid ang damdamin ko, sana matagal na akong sumuko. Ayaw kong isang araw tanggapin ko sa sarili kong isa lang sya sa mga disappointments ko pagdating sa buhay pag-ibig, kaya hanggat kaya ng damdamin ko, kayang unawain ng pag-iisip ko gingawa ko, pero parang may hangganan ata talaga ang lahat.

Masyado ko syang dinidib ngaun kasi ngaung nandito pa ako sa Saudi ganito na ang set-up namin, paano pa kaya pag nasa pinas na ako, dito ok pa kasi I have the power para magreach out sa kanya, ang unang tumawag, ang mangamusta lage sa kanya, eh pano kung nasa pinas na ako??? Na may time difference na??? na hindi na kami  parehas ng currency na binibilang, pano na un????

Unang problema namin ang ginagawa nyang pagpapadala sa mga magulang nya, na halos wala ng matira sa kanya, basta may maitustos lang sa pangangailangan ng mga magulang at kapatid nya, in that part ok na un sa akin, kasi kung ako man ang nasa kondisyon at posisyon nya gagawin ko din lahat para sa pamilya ko, obligasyon ko pa rin un as anak nila, na to give in return what they given me nung mga time na nag-aaral pa ako, sa akin lang ok na tumulong, ok na sumuporta, pero ilagay din nya sa ayos, magtira man lang sya ng sapat para sa sarili nya, hindi ung mukha na syang kawawa dito sa Saudi habang ung mga pamilya nya sa pinas eh bonggang bonggang namumuhay sa pinas, hindi naman na ata fair un kung iisipin.

Pangalawang pinag-aawayan namin, ung pagtatrabaho nya, alam ko ung fact na lahat kami nandito para magtrabaho, hindi naman kami pupunta dito at magsasakripisyo kung hindi dahil sa trabaho at sweldong nakukuha namin dito, na titiisin mo bang milya milya ang layo sa mga mahal sa buhay para lang saw ala, hindi naman siguro diba… ang point ko lang is, ginusto nyang maging kasintahan ako, hindi ko pinagsiksikan ang sarili ko sa kanya, konting oras lang kahit isang txt nga lang sa isang araw ok na ako, malaman ko lang kung ok ba sya, kung nasa trabaho na ba sya, hindi naman siguro labis ung hinihingi ko.

Ako sa trabaho ko, sige sasabihin ko ng maswerte pa ako kung maituturing sa posisyon nya kasi most of the time, halos hindi talaga madami ang trabaho, minsan lang ung hindi mahulugan ng karayom ang dating ng patient namin, pero kahit na busy ako I will see a point na makakausap ko pa rin sya kahit papano, kahit nga 15 minutes lang, kaya most of the time dala ko ung headset ng telepono ko para kahit kausap ko sya nakakagawa ako sa trabaho ko, marami na akong sinakripisyo na halos marami akong nakakalimutang gawin dahil lang kausap ko sya, dahil lang may tampuhan kami, pero sya kahit minsan ata wala, walang naging problema sa trabaho nya, forgiven na ung buong maghapon hindi ko na sya makausap, forgiven na din na hanggang kahit 11pm ako naghihintay, para lang makausap ko sya, kahit pa morning ako kinabukasan, at kailangan ko ng mas maagang tulog maghihintay pa din ako para lang just to keep in touch sa kanya, para lang maalagaan ung relasyon na binuo namin,lahat kaya kong gawin kasi alam ko hanggang dun lang kasi ang kaya kong gawin dito, hindi naman ako pwedeng pumunta sa workplace nya para magbantay, at sunduin sya kasi wala akong power dito. Pumapayag na akong once a month kaming magkita at magkausap ng personal kasi un lang ang kaya ng budget at oras nya, ok sa akin lahat pero ung mga simpleng bagay just to reach out for me, sana lang naman eh nagagawa, kahit simpleng text sa umaga kung nakatulugan man nya ako sa gabi, malaman ko lang na ganun, ok na sa akin.

Natatanong ko sa sarili ko kung minsan, sobra ba ung hinihingi ko??? Sobra ba ung iniexpect kong gawin din nya sa akin, sobra lahat na humingi naman ako ng kahit konting time lang sa kanya, na ung konting time na un eh magbibigay sa akin ng sobrang laking feeling na importante din ako, words is not enough na minsan mong sabihin na mahal mo ako, hindi sapat na makampante ka na sabihin mong ako lage ang nasa isip mo, na ako ang dahilan ng pagsisikap mo, kung hindi mo naman pinaparamdam sa akin na importante at mahal mo din ako, balewala lahat yang pera na yan, lahat ng paghihirap nay an, kung hindi mararamdaman ng partner mo na para sa kanya lahat yan.

Konting time lang ang hinihingi ko, limos na nga kung maituturing, hindi na full time ang hinihingi ko, konti lang masaya na ako, ganun lang para maramdaman ko namang importante din ako inspite ng distance na nakapagitan sa ating dalawa….konti lang….

Yan na siguro ang epekto ng halos dalawang taong nakakulong dito sa bansa na ‘to. Marami sa nakakausap kong mga pinoy na pasyente namin dito, pati na rin sa mga nagiing kaibigan ko na dito, isa daw malaking kulungan ang Saudi. In my own experience, masasabi kong totoo un, it varies nga lang un sa lugar na mapupuntahan mo dito sa Saudi, some of the place naman or sabihin na nating state/province nila ay maluwag naman, like Jeddah, na halos open na kung ituring ng mga Saudi locals na din dito. Sa Jeddah sinasabi nila, pwedeng walang head cover, at medyo maluwag papgpunta ng mall at kung san pa, dito sa napuntahan ko, eastern province, mostly kilala ang place namin pag sinabi mong dammam, dito medyo maluwag din naman sya, most of the time hindi kami naghe-head cover pag lumalabas, maliban na lang pag nasita na kami ng motawa (muslim priest) at sasabihing mag head cover kami. Ang nakakaboring lang dito sa napuntahan ko is ung mismong kompanya. Indian kasi ang may-ari nito, and kill joy sila pagdating sa mga events at kung anu-ano pang recreation na pwedeng gawin dito. Nung mga una-una ko dito, para sa akin, ok lang eh, ang makalabas once a month sa malaking mall at mag spend ng halos ilang oras din sa kakalakad para mamili ng kung anomang gustuhin ko, pero as days, months and a year now, parang nakakasakal na sya, hinahanap hanap mo na ung laying kinalakihan mo sa pinas, ung pag depress ka, punta ka lang sa mall mag-isa at mag window shop eh medyo masosolve ka na kahit papano, at pag nagkukulang kana to boost up your faith open ang mga simbahan para magdasal ka ng taimtim sa mga un, hay pinas, buhay pinas miss na miss ko na!

Pero konting tiis na lang, mararanasan ko ulit ang layang un, at pinapangako ko sa sarili ko kukuhanan ko ang bawat pangyayari na un sa buhay ko, ang maging Malaya ulit..hay! bored na naman ako…

Pero tulad ng nasabi ko na sa ibang post ko, masayang malungkot akong uuwi ng pinas, it signifies kasi na magiging sobrang layo na ako sa mahal ko, and I will wait for a long time to finally with him permanently, pero ganun talaga, kasunod ng isang pagtitiis ang isa pa, sana pag dumating na ung time na un, makayanan naming malayo sa isa’t-isa, makayanan ang bawat pagsubok na darating ng magkalayo kami, sa distance will make us stronger as a couple not weaker… pero alam ko naman kakayanin nya un, maganda naman ung kompanyang napasukan nya, maraming pakulo at paglilibangan, ang inaalala ko lang ay ung pagtatrabaho nya ng sobra baka ung katawan naman nya ang maapektuhan, ngaun pa lang na nandito pa ako, eh hindi mo na makausap sa sobrang trabaho, baka lalo pag nasa pinas na ako. Basta…I know god will guide both of us, sya naman ang may alam bakit kami nagkakilala at bakit kami ngaun nagmamahalan, I know sya rin ang magbibigay ng lakas sa lahat ng darating sa aming dalawa….

Ngaung gabi nagkachat na rin kami sa wakas ng aking pinakamamahal na boyfriend..hehehe ilang buwan din bago nagawa at natuloy un, unti-unti na pinaghandaan ng mahal ko yan, kahit pa pinang-utang ung iba,hehehe love you mahal ko.
This night nga eh nagkachat na din kami ng baby ko, pambawas din sa pagkamiss namin sa isa’t-isa. Kasi naman nandito kami sa panget na lugar na ‘to na hindi ka malayang gawin ang mga nakasanayan mo ng gawin sa bansa natin, hindi ganun ka normal ang relasyon namin dito sa lugar na ‘to, ikaw ba naman, magkarelasyon kayo na isang beses sa isang buwan lang kayo magkita, at limited pa un ha! Patago pa ang bawat sweet moments nyo together, oh diba, ang hirap ng sitwasyon namin! Hindi ko sya masisi hindi rin nya ako masisi kasi ganito ang set-up ng may relasyon talaga dito sa Saudi, aasa ka na lang sa biyaya ng technology, chat text at tawag na lang ang panghahawakan mo, just to keep the communication and connection nyo as a couple.
Ung chat na siguro ang pinakamasaya and pinakamabisang connection na magagawa nyo as a couple, hindi lang makakausap mo ung mahal mo, makikita mo pa sya, kahit pa milya milya ang layo mo sa kanya kahit Makita mo lang sya sa cam nya parang nasa tabi mo na din sya. Tulad ngaun na nakachat ko ang aking mahal eh, nakakatuwa lang tingnan sya sa cam nya, ayaw pang magbukas ng cam kasi nga wala na daw ilaw sa kwarto nila, kasi natutulog na ung mga kasama nya sa kwarto, sya na lang ang gising kasi na rin hinintay ako para makausap at Makita ang beauty ko..lolz*(kapal noh!) natutuwa lang ako kasi kinuha nya ung flashlight nya taz un ang inilaw nya sa mukha nya para lang Makita ko sya, hindi ko napigilang hindi kuhanan un ng picture, sana alam ko na ung pano kuhanan ng picture directly dun sa desktop na talaga, pero anyways, nakuhanan ko naman sya thru my digicam, ka cute lang ng mahal ko..lolz* sayang lang at isa lang ang magandang kuha ko nun..hehehe…

Now medyo mababawasan na ung pagkamiss naming dalawa sa isa’t-isa, kahit papano nakikita namin ung bawat isa kahit sa computer lang, at dapat medyo masanay na ganito kami, kasi eto ang kahaharaping buhay namin pag umuwi na ako, magiging chatmate na muna kami sa araw-araw..hehehe pero syempre kahit sa chat lang muna kami magkikita at mag-uusap, maipapangako kong hinding hindi magbabago ung nararamdaman ko sa kanya, gagawin ko lahat just to keep him, sya na ang huli at tuluyang makakasama ko habang buhay…love you baby ko…missssssss you so much mahal ko…umwaaahhh….my cute habibi eto ung kinunan ko sa digicam ko..oh diba ang cute nya…hehehehe

PS:

but the next night medyo nagkatampuhan kami, umandar na naman kasi ang pagkamatampuhin ko, and now that im posting this entry eh hindi pa kami nagkakausap…ewan ko kung sa hiwalayan na eto mapupunta or naging busy na lang ulit sya sa work nya..ewan ko…bahala na ung nasa taas…

This time I wanted to write yung nandito sa loob ko, ayaw ko na kasing itext sa kanya, gusto ko na lang i-keep sa sarili ko, na- misunderstood na kasi ako eh..la lang hirap lang i-explain ulit…hay….

Sinabi ko sau ung sitwasyon ngaun sa bahay, la lang just the thought na mai-share ko lang sau, not imposing a thing na ibahin ang plano natin,ibahin ang mga susunod na mangyayari na nasabi ko na sau, sinabi ko lang I wanted to help kung anuman ang magiging plan nila mama sa bahay namin, kung ipapagawa or bibili na lang ng bagong bahay sa ibang lugar, gusto ko lang tumulong, it doesn’t necessary na nabago na ung huling planong sinabi ko sau, hindi purket tutulong ako hindi ko na paninindigan ung plan ko to go settle down with you, nandun pa din un, kakayanin ko naman un na pagsabayin while I’m helping my parents sa gastos sa bahay namin, I will just budget my money na ung konti eh mapupunta sa kanila, hindi ko hahayaang maaapektuhan ung magiging ipon nating dalawa pag nagkataon. Nung sinimulan ko na kasing sabihin un sau un, nahalata ko na agad na nawala ka na sa kondisyon, at first natuwa pa for not pursuing the Canada thing, pero got disappointed naman nung sinabi ko na need nating umalis agad to work abroad para makatulong ako sa mga mama ko, tumahimik ka na lang… at nasabi pa sa bandang huli, pakasalan ko na lang ung bahay namin, ganda noh B! I;m not complaining or anything, wala akong sinasabing tinatalikuran ko na ung plan na sinabi ko sau, and I’m not saying or telling or requesting sau na ipagpaliban muna na ung plano na nasabi ko na sau, hay! La lang…hirap lang i-explain, I know how happy you are to know I’m decided tungkol sa issue na un, kahit pa hindi ko pa nakikilala ung parents mo, at ikaw din sa akin, but I’m assuring you na yes ang magiging sagot ko sau, kahit nga wala pang tanong yes na eh, hay ewan!

Sorry kung dito ako nagbubuhos ng nararamdaman ko, and not on my phone and send a message for you, parang this time, time out muna sa kakaexplain and send a novel message sau, na wala man lang akong narereceive na sagot from you..hay ewan! Basta un lang!

During Ramadan days, ung relasyon namin ni kritz was little in shaky mode, bakit kanyo? Kasi madalas kaming magkatampuhan nung mga oras na yan, kasi na rin siguro dahil sa schedule namin, kasi kami dito sa dispaensary talagang kakaiba ang schedule namin, we need to be on duty up to late midnight during those days, kasi nga diba most of the muslim is sleeping during day time, kasi fasting din sila nun, they will celebrate after the sun goes down, dun na sila magsasaya at kakain ng kakain, so expected na most of the patient will come late in evening na. So sa panget nga ng schedule ko napupuyat sya, minsan naman hindi na kami nakakapag-usap kasi nagiging busy na din ako, at pag ganun na umaandar na ang pagka-matampuhin ng lola nyo, kasunod na nun, syempre dramahan na at mga lines of break up na ang binibitawan. Parang mga tanga lang kami kasi sa dulo hindi rin naman kayang makipaghiwalay sa isa’t-isa…lolz* After Ramadan days, parang naging langgam na naman kami sa sobrang kaswitan, lageng nag-uusap ng masaya, may mga senti pa din but hindi un away kung hindi lambing lang kasi malapit na akong umuwi ng pinas at alam naming dalawa na maiiwan ko sya dito at magkakalayo kami for almost a year din. Before ako magkaroon ng boyfriend dito sobrang excited na akong umuwi kasi sobrang lungkot na talaga ng buhay ko dito, lage ko na lang miss sila mama, lage ko na lang naiisip na sa pinas kahit single ako, hindi ko masyadong ramdam kasi I know how to pamper myself na hindi ako ma-intimidate sa ibang tao for having a special someone in their lives, keber ko ba kung wala pa akong boyfriend masaya naman ang buhay ko nun, but dito sa gitanang silangan, mahirap un na hindi isipin at isa walang bahala kasi mararamdaman at mararamdaman mo sya, kahit pa anong kumbinse mo sa sarili mo. Pero syempre lahat nagbago ng dumating ang isang Kritz Anthony sa buhay ko, hindi ko naman sinasabing sinagot ko lang sya just because I’m bored here, may something din naman kay Kritz na, make me feel he will be ok as my partner ( at hindi naman ako nagkamali ng akala!) at ngaun nga na malapit na akong umuwi bumibilang na lang ng buwan, 4 months na lang at makakauwi na ako, ngaun hati na ang feelings ko, hati sa lungkot at saya, lungkot kasi maiiwan ko sya dito ng mag-isa, I know how really sucks this place, how boring, pero alam ko makakaya yan ng baby ko, I’m just chat away lang naman eh, lolz*, masaya naman kasi nga I will finally see my love ones sa pinas na naiwan ko din for two years. Ngaun ang flow na ng usapan namin is all about sa mga plans to lessen the longing to be together physically, ung free ba, kasi alam naman natin dito sa Saudi hindi pwedeng magswit-switan ang hindi pa mag-asawa, bawal un dito baka makulong pa kami kung sakali. Meron ng mga nabuong plano, pero syempre hindi pa un final, depende pa un sa magiging takbo ng mga pangyayari..lolz* one of the plans na nabuo at napagkasunduan na namin is ung plan nyang mag emergency leave na lang kahit for 15 days lang, just to spend time together with me sa manila, then after nun balik ulit dito, pinayagan ko na syang gawin un kahit aksaya sa pera kasi ayaw din naman nyang mag bridge ng contract and naisip ko din sayang ung mga benefits na makukuha nya kung matatapos nya talaga ung contract nya, as he will always say pandagdag daw nya un sa ipon nya at para may ihaharap daw sya sa parents ko, adik talaga yang baby ko eh, lage na lang pressure pagdating sa akin, on how he will show to my parents that he is worth it to be my partner forever, na lage ko namang sinasabi sa kanya ung hanggang kaya nya lang, kasi for me, ok na ung tama lang saka na kami magsisikap talaga when we will decide to go on and have a family of our own na talaga. And isa pa din kaya pumayag na akong mag emergency leave na lang sya, way na din un para mapakilala ko na din sya sa mga mama ko and sa mga tita ko, at gaya ng sabi ko sa kanya, pag nakapag-isip na akong mabuti at umayon ang panahon sa mga plans naming dalawa I will be happy to meet him at the altar and offering myself to be his wife na forever. And hopefully God will take care of that plan…hehehe kami na siguro ang pinakamsayang tao sa mundo when that truly happen…lolz* Kaninang hapon ko lang naisiksik sa utak ko na payagan si kritz na mag emergency leave na lang, marami ng plano ang pumasok agad sa utak ko..how advance noh! Ok na un kesa on the spot noh, hindi naman sasama ang loob ko pag hindi natupad eh, nasabi na din namin na ang plan nya hindi sya uuwi ng cebu dun sa 15 days na un, so ako naman mega calculate diba, so sa 15 days na un halos lage kaming magkasama, sabi ko na lang sa kanya eh di mag out of town na lang kami para mamaximize ung days ng bakasyon nya at ung kami lang talagang dalawa, siguro naman papayag ang mga mama ko nun noh, matanda na ako..hehehe kaya ang gagawin ko, ung mga unang araw nya, mostly maglalage kami sa bahay and ipapasyal ko sya sa mga tita ko para makilala sya pati na din ng mga pinsan ko, then saka ako magpapaalam na mag out of town kami, nagsu-surf na din ako sa net nung mga package na pwede naming i-avail, like ilocos tour, sagada tour..un kasi ang mga gusto ko talagang puntahan bago pa naging kami ni kritz, gusto ko na talagang makapunta sa mga lugar na yan, form of refreshment na rin for me, sa pagtatrabaho ba naman dito sa saudi ng dalawang taon you really need a break talaga. Then after siguro nun, sobrang magiging attached na kami ng hubby ko, at syempre isa ulit na sakripisyo ay ang muli nyang pagbalik dito sa Saudi at magkakahiwalay kami, but ok na din, ilang buwan lang un, ang kapalit naman nun ang hindi na namin paghihiwalay, sisikaping gawin ang lahat ng paraan para kahit ano man ang maging pangarap naming dalawa, magagawa namin un ng magkasama. Basta as of now, I’m so grateful on how our relationship is going, may mga tampuhan at sentihan but ang importante sa lahat alam naming pahalagahan ang bawat isa at patuloy na minamahal at inuunawa ang bawat isa, may mga pagkukulang man paminsan minsan ang bawat isa pero nandun pa din ung paniniwalang hanggang kami sa bangdang huli..and no matter what we will spend life together…love you baby ko….

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.