Bakit kanyo! Kasi matutuloy daw ang reunion namin nung mga kabatchmate ko nung elementary! Last time nakachat ko ung isang kaklase ko sabi nya Malabo daw kasi aalis na ung classmate namin na mag-oorganize, but ngaun, ngaun lang sinabi sa akin na tuloy na at next month gaganapin…hay kainis talaga, kung kelan wala ako sa pinas saka matutuloy.
Alam nyo ba kung bakit ganun na lang ang kagustuhan kong makapunta at makasama dun, kasi last year pa nakakondisyon ang utak ko sa reunion na yan, last year kasi sinabihan ng aming beloved adviser nung elementary ung kapatid ng best ko na magconduct daw kami ng isang reunion sa batch namin, so last year pa kami dapat nagplan nun, hindi lang maasikaso kasi pareho din kaming busy sa work. And now na nandun ung isang classmate namin na galing UAE, ayun sya ang nag-aayos ngaun, at matutuloy na siguro, kakalungkot lang kasi gusto ko silang Makita, alam nyo bang calculated ng adviser namin kung gaano na katagal na hindi kami nagkita-kita…12 freaking years lang naman. Sa iba it’s sound so good na after all this year’s eh may bonding pa rin sa aming magkakabatchmate. Ganun ata talaga ung nabuong bonding namin nung mga elementary pa kami, although hindi naman lahat kami ay close to the max, pero nandun ung bonding na kaya naming magsaya pag magkakasama kami, wala bang awkwardness na mangyayari kung magkakasama man ulit kami. I’m looking forward pa naman sa araw na un, un pala eh hindi ako makakasama, kung mura lang pamasahe pauwi eh gagawin kong magpaalam sa manager namin para umuwi lang sa mismong araw na un, hay buhay nga naman! Sana may next time pa. sana (crossfingers!*) anyways I cannot do anything now but just wait sa mangyayari sa kanila, sabi ko dun sa isang kabatchmate namin tatawag na lang ako sa mismong araw na un makausap ko man lang ung adviser namin ok na sa akin un, hihiritan ko na lang na magkaron ulit ng isa pang reunion ang batch namin.
Hindi mo akalaing 12 years na pala ang nakakalipas ng makagrad kami ng elementary, mga bata pa kami nun, pero alam nyo ba feeling ko ng mga time na un para na kaming mga dalaga at binata, marami din kasi sa mga kabatch ko ang may mga sari-sariling lovelife nung mga time na un, pag sinabi mong crush noon sa amin parang ang equivalent na nun ay love mo na sya, susmiyo parang alam na ba namin ang meaning ng love nung mga panahon na un, kakatawa na lang isipin noh! Sa part ko, buhay na buhay pa rin ang mga alaala nung mga panahon na un, nasa utak ko pa ang mga place na lage naming tinatambayan sa skul noon, mga kalokohan na kinasangkutan namin, mga special event na pinagsaluhan namin noon, hay sarap sanang mapagkwentuhan un sa araw ng reunion namin, lalo na ngaun na halos lahat sa amin ay propesyonal na at may sari-sarili ng pangalan sa buhay. Sarap sanang gawing biruan ang mga kalokohan namin noon, ngaun nga lang at nagkakausap kami sa chat eh mga memories nung elementary ang pinag-uusapan namin, un bang pagkinamusta mo ung isang tao nakilala namin, sabay sasabihing wala pang asawa un, hinihintay ata ako, hehehe mga ganyan ang minsang usapan namin, ngaun pwede na naming sabihin at aminin ang mga naging crushes namin noon, wala na lang naman un ngaun diba, malalaki na kami ngaun at may sari-sarili na kaming buhay, ung iba sa amin eh may mga pami-pamilya na din. Ang nakakalungkot lang na part sa mga ganito ay ung mga hindi na pinalad na makapag-aral sa amin, syempre kahit paano eh mahihiyang magsipuntahan ang mga un, hay naiisip ko pa lang ngaun ang dapat mangyari sa araw na un, nalulungkot na ako, kasi dapat next year na lang ganapin eh, sana may mga hindi makakarating na i-reconsider ni mam na hindi makakarating, sana (crossfingers*) gusto ko talagang makapunta sa araw na un, hay! Nalulungkot talaga ako. Sana konti lang ang mga mahagilap nilang mga kabatchmate namin at sana madaming nasa ibang bansa na hindi makakauwi at para mapospone..hehehe sama ko eh noh! Kahit magsponsor ako ng medyo malaki basta next year lang ganapin.
Palaisipan na lang sa akin ngaun ay ung mga posibilidad kung sinu-sino ang darating sa araw na un, although wala pang exact date pero sure na daw sa june gaganappin. Kainis talaga. Hay! Anyways, wala na akong magagawa kung matutuloy sya next month, ang tanging magagawa ko na lang ay ang makibalita at tingnan ang mga picture nila sa friendster at mag-imagine na nandun ako. Hay! Sarap pa namang makibalita sa kanila.hay…..