Skip navigation

Category Archives: past years…

Bakit kanyo! Kasi matutuloy daw ang reunion namin nung mga kabatchmate ko nung elementary! Last time nakachat ko ung isang kaklase ko sabi nya Malabo daw kasi aalis na ung classmate namin na mag-oorganize, but ngaun, ngaun lang sinabi sa akin na tuloy na at next month gaganapin…hay kainis talaga, kung kelan wala ako sa pinas saka matutuloy.

Alam nyo ba kung bakit ganun na lang ang kagustuhan kong makapunta at makasama dun, kasi last year pa nakakondisyon ang utak ko sa reunion na yan, last year kasi sinabihan ng aming beloved adviser nung elementary ung kapatid ng best ko na magconduct daw kami ng isang reunion sa batch namin, so last year pa kami dapat nagplan nun, hindi lang maasikaso kasi pareho  din kaming busy sa work. And now na nandun ung isang classmate namin na galing UAE, ayun sya ang nag-aayos ngaun, at matutuloy na siguro, kakalungkot lang kasi gusto ko silang Makita, alam nyo bang calculated ng adviser namin kung gaano na katagal na hindi kami nagkita-kita…12 freaking years lang naman. Sa iba it’s sound so good na after all this year’s eh may bonding pa rin sa aming magkakabatchmate. Ganun ata talaga ung nabuong bonding namin nung mga elementary pa kami, although hindi naman lahat kami ay close to the max, pero nandun ung bonding na kaya naming magsaya pag magkakasama kami, wala bang awkwardness na mangyayari kung magkakasama man ulit kami. I’m looking forward pa naman sa araw na un, un pala eh hindi ako makakasama, kung mura lang pamasahe pauwi eh gagawin kong magpaalam sa manager namin para umuwi lang sa mismong araw na un, hay buhay nga naman! Sana may next time pa. sana (crossfingers!*) anyways I cannot do anything now but  just wait sa mangyayari sa kanila, sabi ko dun sa isang kabatchmate namin tatawag na lang ako sa mismong araw na un makausap ko man lang ung adviser namin ok na sa akin un, hihiritan ko na lang na magkaron ulit ng isa pang reunion ang batch namin.

Hindi mo akalaing 12 years na pala ang nakakalipas ng makagrad kami ng elementary, mga bata pa kami nun, pero alam nyo ba feeling ko ng mga time na un para na kaming mga dalaga at binata, marami din kasi sa mga kabatch ko ang may mga sari-sariling lovelife nung mga time na un, pag sinabi mong crush noon sa amin parang ang equivalent na nun ay love mo na sya, susmiyo parang alam na ba namin ang meaning ng love nung mga panahon na un, kakatawa na lang isipin noh! Sa part ko, buhay na buhay pa rin ang mga alaala nung mga panahon na un, nasa utak ko pa ang mga place na lage naming tinatambayan sa skul noon, mga kalokohan na kinasangkutan namin, mga special event na pinagsaluhan namin noon, hay sarap sanang mapagkwentuhan un sa araw ng reunion namin, lalo na ngaun na halos lahat sa amin ay propesyonal na at may sari-sarili ng pangalan sa buhay. Sarap sanang gawing biruan ang mga kalokohan namin noon, ngaun nga lang at nagkakausap kami sa chat eh mga memories nung elementary ang pinag-uusapan namin, un bang pagkinamusta mo ung isang tao nakilala namin, sabay sasabihing wala pang asawa un, hinihintay ata ako, hehehe mga ganyan ang minsang usapan namin, ngaun pwede na naming sabihin at aminin ang mga naging crushes namin noon, wala na lang naman un ngaun diba, malalaki na kami ngaun at may sari-sarili na kaming buhay, ung iba sa amin eh may mga pami-pamilya na din. Ang nakakalungkot lang na part sa mga ganito ay ung mga hindi na pinalad na makapag-aral sa amin, syempre kahit paano eh mahihiyang magsipuntahan ang mga un, hay naiisip ko pa lang ngaun ang dapat mangyari sa araw na un, nalulungkot na ako, kasi dapat next year na lang ganapin eh, sana may mga hindi makakarating na i-reconsider ni mam na hindi makakarating, sana (crossfingers*) gusto ko talagang makapunta sa araw na un, hay! Nalulungkot talaga ako. Sana konti lang ang mga mahagilap nilang mga kabatchmate namin at sana madaming nasa ibang bansa na hindi makakauwi at para mapospone..hehehe sama ko eh noh! Kahit magsponsor ako ng medyo malaki basta next year lang ganapin.

Palaisipan na lang sa akin ngaun ay ung mga posibilidad kung sinu-sino ang darating sa araw na un, although wala pang exact date pero sure na daw sa june gaganappin. Kainis talaga. Hay! Anyways, wala na akong magagawa kung matutuloy sya next month, ang tanging magagawa ko na lang ay ang makibalita at tingnan ang mga picture nila sa friendster at mag-imagine na nandun ako. Hay! Sarap pa namang makibalita sa kanila.hay…..

Kung kelan hindi mo inaasahang mahanap sila eh dun mo naman sila makikita. Hindi ko talaga alam kung anong meron ngaung mga panahon na ‘to at bakit ngaun ko lang sila nakikita, nung December hindi ko inaasahang Makita sya, pero nahanap ko sya, at ngaun sa mahabang panahon din eh nahanap ko sya, nahanap ko angmga profile nila. Ok lang sana kung hindi ako masha-shock pag nakita ko ang mga account nila eh, pero hindi lahat nakakapagpataas ng presyon! Lolz*
This afternoon lang while surfing in friendster site, napagtripan ko lang mag search ulit ng mga old acquaintance, mga classmate ko way back elementary and high school, syempre ang hahanapin mo lang naman ay ang mga taong may iniwang puwang sa puso at isip mo diba! (wow lalim!) so like what happen last December, I look for an old love interest, lolz* part din sya ng makulay na elementary days ko, his been my classmate when we are in sixth grade. Etong tao na ‘to pabalik balik lang sa school namin, he studied there first in grade one, then followed by grade three and lastly eh grade six na. palipat-lipat lang sya ng school, later on nung magkaklase na kami nalaman ko na broken family pala sila at ang guardian na lang nya ay ang tita at lola nya, how sad noh! Then kaya rin sya palipat-lipat eh kasi may pagkarebelde tong taong ‘to, nahahaling sa bisyo, kaya sa tuwing makakagawa sya ng kalokohan eh nilalayo sya ng tita nya sa lugar na un, at tinatapon sya sa lugar namin, lolz* medyo malayo kasi sa syudad ang lugar namin, konti ang magiging kalokohan mo sa lugar namin. Tulad ng taong nahanap ko nung December, eh naging crush ko din sya dati, ung pagkagusto ko sa kanya noon eh parang nadevelop na lang, kasi nung mga time na un, isang beses eh pinagtripan ako ng mokong na yan, natuwa siguro sa akin at tinitigan ako hanggang sa maasar ako sa kanya, from that day on unti-unti ng nahulog ang loob ko sa kanya. Then, nung mga panahon na un sobrang ingay at gulo ng section namin, kaya ayun kung anu-anong eksperimento ang ginawa ng adviser namin para lang magbehave kami, so every now and then nababago ang sitting arrangement namin, at sa kasawian palad (daw oh!) eh nakatabi ko sya, nakakatawa nga nung mga time na un kasi kaklase ko din si mr. decemeber ( yan nlng ang itatawag ko dun sa isang crush ko na nahanap ko nung December!) that time, si mr. December sa kaliwa at si mr. april (ung crush ko na nahanap ko ngaun..lolz*) naman s a kanan ko, lolz* oh diba, both silang nakatabi ko, my present and my past..lolz* yan ang nasa isip ko that time, kasi nga si mr. December ang una kong naging crush and then si mr. april ang current crush ko that time. Hanggang sa matapos ang school year ay hindi na nabago ang sitting arrangement nay an, kaya hanggang sa dulo eh kaming tatlo ang magkakatabi.
So balik tayo sa nangyari ngaun, un nga at nahanap ko ang profile nya kanina, sabi ko pa kanina try lang baka this time mahanap ko na sya, pero hindi din ako umaasa kasi before din eh hinanap ko sya, then suddenly by looking at the search list, meron ung name nya, alam kong sya un kasi I know his complete name pati middle initial nun alam ko, hindi nga lang ang ibig sabihin ng mid initial nya. So I clicked on that profile at boom…SYA NGA!!!!!! Hindi private ung profile so nakita ko ang lahat ng laman ng profile nya, mga pics nya and so on and so forth.shocking about the profile is, he is already married na din! Hay…hehehe siguro ka-kakasal pa lang nya, nandun kasi sa profile ung ibang pics nung kasal nila, and confirm na sya talaga un, hindi man nag reflect ang kagwapuhan nya sa pic na un, pero sya talaga un! Pumayat at nagmature lang ang mukha pero sya un! Hahaha
After seeing the profile natatawa na lang ako, hindi ako nasaktan or what so ever, unlike kay mr. December nung nakita ko ung profile nya, hindi ko alam, pero si mr. april ang alam kong ultimate crush ko dati, parang na-fall inlove pa nga ata ako sa mokong na un kasi hindi sya nawala sa isipan ko hanggang sa mag college kami. Sobrang crush ko talaga un, nung Makita ko un nung college days namin, hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya, halos lumabas nga ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nung time na un, ikaw ba naman kasi Makita mo sya after 4 long years, hindi ko kasi siya nakita nung high school days namin, ni hindi ako nakapagsalita ng maayos nung mga time na nagkita kami ulit. Habang tinitingnan ko nga ang profile nya kanina eh nagrereflect pa din ang pag ka-kengkoy nya, masayahin at palaasar na lalaking nakilala ko nun, mukhang happy naman sya ngaun married sa girl na mahal nya.
Nuh ba yan!, lahat ng naging crush ko before eh may mga asawa na, isa-isa na silang lumalagay sa tahimik kasama ng kani-kanilang mga mahal sa buhay, hay! Napag-iiwanan na ako ah! Lolz* pero ok lang, I will patiently waiting for my right one to come, naglalakad lang kasi un! Hindi ko naman mabigyan ng pamasahe para mag taxi na lang at ng mapabilis ang pag punta sa akin! Waaahhhh kinakausap na ang sarili! Masama na ‘to…lolz*

Pahabol: hindi kaya ang dahilan na nakikita ko ang mga profile nila ay sa dahilang nagpaplano talaga ng reunion ang batch namin, at unti-unti ng nagpapakita ang mga ka-batch ko para madali na lang silang hanapin, lolz* ano sa tingin nyo?!

This day is my off again, last off ko na ito this month of April, at minaximize ko ang araw na ‘to, feeling ko nga mukha akong katulong kanina,lolz* kasi ba naman ang dami kong nilabhan, then after kong  malabhan mga kobre kama ko at mga kumot ko eh nagluto naman ako, at after magluto ay naligo ako at naglinis ng konti dito sa kwarto namin, oh diba! Parang katulong lang..lolz* but I did that ng wala naming sama ng loob, kasi last ko ng linis un,hahaha wala na akong off eh..lolz*

Ano nga ba ang reason bakit gusto kong sumulat ngaun, siguro just to release ung feeling ng konting inis lang naman na nandito sa kalooban ko! This past few weeks kasi merong mga nangyayari sa akin na kala ko sa simula ay magpapatuloy na ang happy days ko, pero sa kasawiang palad eh hindi, we communicate for 2 days lang ata un, then wala na, medyo aaminin ko na umasa ako na there’s something to look forward to, there’s something na mangyayari, pero as my titles said mahirap talagang mag expect, lalo na kung sa maagang panahon mo inisip un, siguro makakalimutan ko din, and gaya ng dati inis lang ako sa sarili ko, parang gusto ko ng paniwalaan ung mga sinasabi nila na the more kang naghahanap the more na hindi mo sya makikita, yan na kasi ang nangyayari sa akin, hanap ng hanap, try ng try pero lageng talo sa bandang huli, kulit ko kasi eh, hay…

Isa pang nagpapainis sa akin ay may isang kaibigan “siguro” na may pinagtapat sa akin, sa una naging ok pa ang nasabi nyang balita sa akin, kasi hindi ko naman talaga inaasahan na may mabubuo sa amin other than friendship, but ung sinabi sa akin ng ka-roommate ko nab aka ginawa lang nya akong way para makabalita sa ex nya, which is kasama ko dito sa dispensary, at sa kwarto,  before na naglive out sya kasama ng asawa nya. Kung sakali man na totoo ung nasabi sa akin nung karoommate ko nakakainis lang isipin na ganun, pwede naman sa simula eh sinabi na nya un sa akin, hindi naman ako judgemental tulad ng iba, and hindi ko sila lubos na kilala kaya wala ung natural na care ko na binibigay ko sa mga matatalik kong kaibigan talaga. Feeling ko kasi nagmukha lang akong tanga all this time, hindi naman ako ang lumapit sa kanya, sya ang unang komontak sa akin, hay naiinis lang talaga ako!

Pareho na silang burado na sa phone list ko, hindi ko na alam pano sila kontakin ngaun, kaya siguro makakalimutan ko na din sila, wag na silang magpaparamdam sa akin, para hindi na rin ako masaktan ulit! Yan ang naging paraan ko dito ngaun, pag may gusto akong iwasan at kalimutang tao binubura agad ang number sa phone list, wala naman kasi akong kabisadong number dito, kahit nga sarilli kong number eh hindi ko kabisado, hay, sana wala na talagang magparamdam sa kanila, para wala na din akong ime-meet sa kanila pagdating sa pinas, dito pa lang tapos na ang pagkakaibigang nasimulan dito, nagsimula sa Saudi, at magtatapos din sa Saudi!

********************

Kung merong hindi magandang nangyayari sa akin dito, meron din naming magaganda akong nababalitaan sa pinas, sa pamilya at mga malalapit kong kaibigan. Sa mga friends ko, dahil nga mahal na araw na sa pinas, madalas na ginagawa dun nagun ay ang iba’t-ibang klase ng sakripisyo, mga sari-sariling paraan para magunita man lang ang sakripisyo ni papa jesus sa atin nung bumaba sya dito sa lupa. Huling mahal na araw ko sa pinas, year 2007ata un, pumunta kami ng mga kabarkada ko since high school sa divine mercy sa marilao bulacan, ang plano talaga namin nun ay pupunta kami sa grotto vista sa san jose bulacan, un kasi talaga ang puntahan pag mahal na araw sa bulacan, malaki kasi ang simbahan na un kaya after nyong maglakad ng pagkalayo-layo ay pwede kayong maglatag dun at matulog pagkatapos na magdasal. This year binalita sa akin ng best friend ko na pumunta daw sila sa divine mercy, kasama ang ilang mga kabarkada namin, dun sila umatend ng misa at nagstation of the cross na din, nung binalita sa akin ng bez ko un, nalungkot at nainggit ako, nalungkot kasi wala ako dun para makasama sila, nakakainggit kasi nagkasama sama sila, at ako nandito lang at nagtatrabaho, hay… sana kung nasa pinas ako sa mga panahon ngaun, dami na naming pinag-usapan ni papa jesus habang may misa, dami ko ng gustong sabihin sa kanya, sabihin sa kanya ng nsa loob ako ng bahay nya, sa loob ng simbahan, hay….homesick!

Sa pamilya naman, kanina lang ay nakatext ko ang aking little big sister..lolz* nagtatanong about sa pagluluto, himala nga at nahihilig na sa pagluluto itong aking kapatid, ang alam naman kasi nun eh ang kumain,haha kaya nga ang laki-laki na nya ngaun grabe, nagluto sya kanina ng home made na pizza, ang ginamit lang nya ang tinapay na monay, hinati sa gitna at ininit sa kawali, niluto daw nya un para sa mama namin, how sweet diba, hehehe biniro ko nga sya , kasi tumatawa ako sa text, sabi ko at buti at nahihilig kana sa pagluluto ngaun, sabi naman nya kahit man lang daw meryiendang mga pagkain eh matutunan nyang lutuin. Kanina habang katext ko sya hindi maalis ang ngiti sa mukha ko, kasi kahit pano kasi eh nagma-mature na aking kapatid, nung bago kasi ako umalis eh once in a blue moon lang yan tupaking tumulong sa bahay, magluto ng totoong pagkain talaga huh, hindi ung mga instant na pagkain lang. hay, mukhang marami ng pagbabago ang maabutan ko pag-uwi ko next year sa pinas, at hindi na ako makapaghintay na mag march 2010 na para makauwi na ako sa pinas, at ma-enjoy ang dapat kong ma-enjoy na tiniis ko sa loob ng dalawang taon dito…hay…

Monday was my off, as expected mga routine lang naman ang ginagawa namin pag-off kami diba! Laundry and ironing after, and the most important one is spending most of the time in front of your laptop..lolz*  Sa harap nga nitong laptop na ito ginugugol ko ang halos lahat ng oras ko when I got here in our room, after duty kung hindi man maganda ang connection I’m just playing my songs and tingin ng mga old pics namin. And maya-maya makakaisip na ng pwedeng maisulat sa aking munting journal online.

 

Nung Monday medyo ok naman ang connection so nagkaron ako ng time to surf all of my account from my multiply site to friendster. Nung Monday after long time of not surfing my friendster account ay naisipan kong bumisita sa mga site ng mga friendship ko.

 

Ung mga friends ko sa friendster account ko is comprises of my acquaintances from my elementary friends up to the time now that I am working. Ilan lang sa mga friends ko nung elementary ang nandito sa friends list ko, and one of them nga is ang tinuturing kong best pal ko nung elementary, after elementary nawala na ung communication namin, iba kasi ung pinasukan nyang high school, minsan nga lang ata kami nagkita during high school days sa sakayan ng tricycle,lolz* and during college as in wala talaga. When I was working na syempre marami na akong free time, madalas din sa pinas I spent a lot of time surfing in the net only, so naisipan kong hanapin ung account nya sa friendster, at hindi naman ako binigo ng site na ito, I found her account and from then on nagkaroon ulit kami ng communication, one time din nagkita kami at nag-bonding, that was the first time we meet again after elementary days, walang nagbago malliban lang sa malaki na kami ngaun..lolz* she already finished her studies, akalain nyong CPA na ang bestfriend ko, galing din kasi talaga nito eh, she was in the honor roll that time so hindi naman nakakapagtaka un diba, to know now na she is already a certified public accountant na. before I go here din eh nagkaron kami ng bonding, and share also some pictures. Meron ding talagang naidudulot na maganda ang technology natin ngaun noh!

 

May isa din akong nahanap dito sa friendster, sabihin na natin na naging part sya ng makulay na mundo ko that time, sabihin na din natin na sya ang first ever crush ko in my entire life..lolz*  we’ve been classmate for three years during ng elementary days namin, kaso hindi consecutive ang mga years na un,kasi minsan hiwalay kami ng section during those days but thing in common, we lived in one subdivision but ibang area nga lang, parang sabihin na nating sya sa east part at ako naman sa west part..lolz* when I finally see his account last december ata un, hindi ko maipaliwanag ung pakiramadam ko that time kasi, kahit nakakahiya mang aminin na once I prayed na sya na lang ung mr. right ko,lolz* but when I seen his account it’s proudly saying that his heart is occupied with someone, hindi ko kinaya un, talaga! Mixed emotion to the extent na hindi na ako makahinga, nakita ako ng mga roommates ko, kala nila simpleng arte lang na hindi ako makahinga, but it’s real noh! I really can’t breathe that time, after sometimes na-overcome ko din un, iniwasan kong lageng puntahan ang account nya, but accidentally I invited him to be in my friend’s list, nagkatuwaan lang kami nung isang roommates ko, when he accepted my invitation I just sent him a message of thanking him for accepting at sabay banat na remember mo pa pala ako, then he answer and we exchange message after then, pero hindi naman naging constant un,mga 3 times lang ata un, then one of the message he sent me, I was saying that time ung plan na magkaron kami ng reunion because our beloved adviser is requesting for that, he suddenly said to me na he wanted to contact our adviser to invite her to his ninang?! Ako naman answer stupidly! (as if hindi alam san!) ninang san?!, he didn’t answer that hindi na sya nagreply pa sa akin. Pinabayaan ko na un na dun na lang maputol ung pagpapalitan namin ng message, wala lang naman sa kanya un diba, and ok na sa akin na hindi na mangyayari ung pinag-pray ko noon, that is the clear thing I realize after seeing his account. But last day accidentally during my off napagkatuwaan ko ulit libutin ang friendster account ko, at syempre makikita ko sya dun diba, I go again with his profile, at may bago, active na ulit sa friendster ung gf nya, so curiosity runs into myself at pinuntahan ang account ng kanyang gf (sinasaktan ko talaga ang sarili ko noh!) dun nakita ko ung recent comment nya sag f nya, wow..inggit ako! Lolz* he is saying there how lucky himself for having a gir like her, and proudly saying also na maadopt na nung girl ung apellido nya..wahhh (calling selos!lolz*) but truly after reading those comments na-realize ko din ung mga accomplishment nya, how he deliver himself in English, very competitive na, during those days that we are in elementary eh hindi naman sya nage-excell sa class, but sabi nga ng ka-roommate ko na nababago at napag-aaralan un, I’m just happy for him..totoo un, for fulfilling his dreams and soon he will be fulfilled as a man sharing his whole life together with the girl he is dreaming of.

 

Oo nga matagal na ang nakalipas since we graduated from elementary, marami ng nangyari, natapos na namin ang high school, natapos na din ang college, at ngaun ay hinahanap ang kapalaran sa kanya-kanyang larangan na pinili sa buhay, marami na din sa amin ang nasa ibang bayan para magtrabaho at makipagsapalaran, merong may mga sarili ng pamilya, merong may mga mabibigat na hamon sa buhay ang pinagdaanan na. isa lang ang masasabi ko, I truly happy and flattered na naging part sila ng buhay ko, kahit ang iba sa kanila ay hindi ko na nakikita or makikita pa, meron na silang munting puwang dito sa puso ko na hindi na mababago, sana lang matuloy talaga ung reunion namin pag nakauwi na ako, isa yan sa inaabangan ko talaga pag-uwi ko. Hindi man ako handa kung sino man ang makikita ko pag nangyari un, but I will face then happy and proud for our accomplishment all this years….elementary batch ’97, hope to see all you guys soon …..

 

Hindi ko alam kung ano ang meron this pass few days at napaka toxic namin. Malaki na talaga ang pinagbago ng dispensary namin, when I first came here ang laman lang ng log book namin ay 10 patients, swerte na ang abutin kami ng 15 patients in a day but now pag 20 parang wala lang sasabihin lang namin na hindi busy.

Minsan masaya ung madaming pasyente hindi mo napapansin ang takbo ng oras pag nalingat ka na lang eh tapos na pala ang work hours mo, pero minsan nakakapagod na din kasi sobrang ikot dun ikot dito.

Naisip ko tuloy ung mga panahon na nag-i-intern pa lang ako, veterans department of pathology has 6 sections, comprises of blood bank, hematology, histopathology, clinical chemistry, bacteriology and clinical microscopy. Tatlo jan eh ang pinakatoxic na section sa lab at tatlo din jan ang papetiks-petiks lang ang trabaho, ang rotation namin jan dati ay salitan, ako first I started by a non-toxic one, bacteriology, hindi toxic jan, kasi routine na ang ginagawa mo palage, sa umaga magabasa ng mga incubated plates from an overnight incubation, then afterwards, sensitivity naman ang gagawin mo un ay after lunch na,after nun uwian na, if you are doing regular duty lang pag 16hrs. or 24 hours ang duty nyo ang gagawin mo naman sa gabi eh ang gumawa ng media na gagamitin naman ng mga morning at regular duty, then sa madaling araw ay warding ng morning picks.

Hay sarap alalahanin ng interns days namin, isa yan sa hindi ko makakalimutang part ng college days ko ang mag intern sa VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER, I’m proud to be one of their products. Kahit sinong nag-intern sa institusyong ito ang bumabalik balik pa din, hindi ko alam kung kelan nagsimula silang tumanggap ng mga intern kasi may mga staff kami na produkto din nila, at un iba din sa amin eh staff na ngaun sa VMMC, nakakalungkot nga at hindi ako dun nakapag-extern para staff na din ako dun, sarap pa siguro ng experience ko with interns din.

Isa pa sa hindi ko makakalimutan sa pag stay ko sa institusyong iyon ay ang mga taong nakasama ko, hindi lang during internship period ang samahan namin, merong iba sa kanila ay naging matalik ko na ding kaibigan, lalo na ung mga kagrupo ko na hanggang ngaun ay may communication pa din kami. At isa nga sila sa mga namimis ko ngaun, meron kaming souvenir dati nung graduation namin, oo may graduation ceremony kami sa vet, para lang graduation ng high school, oo I compare it sa isang high school graduation kasi un talaga ang feeling kasi super iyakan to the max ang eksena, pati nga mga doctors namin from residente to some of the consultant ay mayayakap mo ng hindi oras, ang hindi ko makakalimutang nayakap ko nun ay an gaming napakagaling na consultant, si Doc Braga, sya ng pinaka-coordinator sa aming mga intern, nayakap ko sya nung day ng graduation namin, hindi ko talaga akalain un, sobrang bait nito ni doc, at nun nga bago pa ako umalis punta dito nabalitaan ko na nasa DOH na sya at may posisyon na sya dun, hay galing kasi talaga eh! Isa pa sa hindi ko makaklimutang mga doctors namin eh si Doc Echo, resident namin sya nun, natapos ang residency nya sa vet a year after kami mag-grad, sya lang naman ang pinakamabait sa lahat ng residente namin that time, pinaka-down to earth hindi mo makikitaan ng ere yan si doc, pag kausap nga namin sya ay para lang kabarkada namin sya, at ngaun ay nakapasa na din sya ng board ng pathology at nagwowork sa camp crame, astigin diba, un kasi ang specialization nya sa forensic side. Oh by the way ung souvenir na sinasabi ko ay isang CD sya na dun complied lahat ng pics namin, kahit hindi namin kabatch, kabatch as in same section, same rotation. Pinaka-nakakaiyak dun sac d na un ay ang part na may song na kanlungan first time na napanood ko un, hindi mo talaga maiwasang umiyak becoz of the momeries.

Hay sarap talaga minsan na magreminisce about the past, specially sa mga good times na na-experience mo noh! Hay isa lang ang meaning nito I’m badly missing all the things sa pinas, iba talaga ang bansa natin, eventhough mahirap tayo at maraming problema, but still it’s a good feeling to be grown in our country! Hay gusto ko ng umuwi….

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.