Skip navigation

Category Archives: internship syndrome…

Hindi ko alam kung ano ang meron this pass few days at napaka toxic namin. Malaki na talaga ang pinagbago ng dispensary namin, when I first came here ang laman lang ng log book namin ay 10 patients, swerte na ang abutin kami ng 15 patients in a day but now pag 20 parang wala lang sasabihin lang namin na hindi busy.

Minsan masaya ung madaming pasyente hindi mo napapansin ang takbo ng oras pag nalingat ka na lang eh tapos na pala ang work hours mo, pero minsan nakakapagod na din kasi sobrang ikot dun ikot dito.

Naisip ko tuloy ung mga panahon na nag-i-intern pa lang ako, veterans department of pathology has 6 sections, comprises of blood bank, hematology, histopathology, clinical chemistry, bacteriology and clinical microscopy. Tatlo jan eh ang pinakatoxic na section sa lab at tatlo din jan ang papetiks-petiks lang ang trabaho, ang rotation namin jan dati ay salitan, ako first I started by a non-toxic one, bacteriology, hindi toxic jan, kasi routine na ang ginagawa mo palage, sa umaga magabasa ng mga incubated plates from an overnight incubation, then afterwards, sensitivity naman ang gagawin mo un ay after lunch na,after nun uwian na, if you are doing regular duty lang pag 16hrs. or 24 hours ang duty nyo ang gagawin mo naman sa gabi eh ang gumawa ng media na gagamitin naman ng mga morning at regular duty, then sa madaling araw ay warding ng morning picks.

Hay sarap alalahanin ng interns days namin, isa yan sa hindi ko makakalimutang part ng college days ko ang mag intern sa VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER, I’m proud to be one of their products. Kahit sinong nag-intern sa institusyong ito ang bumabalik balik pa din, hindi ko alam kung kelan nagsimula silang tumanggap ng mga intern kasi may mga staff kami na produkto din nila, at un iba din sa amin eh staff na ngaun sa VMMC, nakakalungkot nga at hindi ako dun nakapag-extern para staff na din ako dun, sarap pa siguro ng experience ko with interns din.

Isa pa sa hindi ko makakalimutan sa pag stay ko sa institusyong iyon ay ang mga taong nakasama ko, hindi lang during internship period ang samahan namin, merong iba sa kanila ay naging matalik ko na ding kaibigan, lalo na ung mga kagrupo ko na hanggang ngaun ay may communication pa din kami. At isa nga sila sa mga namimis ko ngaun, meron kaming souvenir dati nung graduation namin, oo may graduation ceremony kami sa vet, para lang graduation ng high school, oo I compare it sa isang high school graduation kasi un talaga ang feeling kasi super iyakan to the max ang eksena, pati nga mga doctors namin from residente to some of the consultant ay mayayakap mo ng hindi oras, ang hindi ko makakalimutang nayakap ko nun ay an gaming napakagaling na consultant, si Doc Braga, sya ng pinaka-coordinator sa aming mga intern, nayakap ko sya nung day ng graduation namin, hindi ko talaga akalain un, sobrang bait nito ni doc, at nun nga bago pa ako umalis punta dito nabalitaan ko na nasa DOH na sya at may posisyon na sya dun, hay galing kasi talaga eh! Isa pa sa hindi ko makaklimutang mga doctors namin eh si Doc Echo, resident namin sya nun, natapos ang residency nya sa vet a year after kami mag-grad, sya lang naman ang pinakamabait sa lahat ng residente namin that time, pinaka-down to earth hindi mo makikitaan ng ere yan si doc, pag kausap nga namin sya ay para lang kabarkada namin sya, at ngaun ay nakapasa na din sya ng board ng pathology at nagwowork sa camp crame, astigin diba, un kasi ang specialization nya sa forensic side. Oh by the way ung souvenir na sinasabi ko ay isang CD sya na dun complied lahat ng pics namin, kahit hindi namin kabatch, kabatch as in same section, same rotation. Pinaka-nakakaiyak dun sac d na un ay ang part na may song na kanlungan first time na napanood ko un, hindi mo talaga maiwasang umiyak becoz of the momeries.

Hay sarap talaga minsan na magreminisce about the past, specially sa mga good times na na-experience mo noh! Hay isa lang ang meaning nito I’m badly missing all the things sa pinas, iba talaga ang bansa natin, eventhough mahirap tayo at maraming problema, but still it’s a good feeling to be grown in our country! Hay gusto ko ng umuwi….

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.