Skip navigation

Category Archives: happy mode

Matagal ko ng alam ang site na ‘to before may ilang months na din ang nakakalipas when I finally sign up and make my own account. That time one of my best pal has been addicted to this site because of the applications tis site is offering, so by that na-ingganyo din akong gumawa. That time hindi ko pa masyadong inasikaso ung account ko sa facebook, kasi na rin nung mga time na un hindi maganda ung nakaw na koneksyon namin..hehehe but recently pinagtyagaan ko na syang i-browse.

Recently lang nakahiligan ko sya kasi na din sa mga games nya, pero ang nilalaro ko lang talaga is ung jewels, pamplaipas oras lang talaga, then may chat din sa facebook, you can chat with your frends na nakaonline sa facebook.  I got exicited lang ng Makita kong nakaonline ung isang friend ko nung college, medyo close kami nun, before I leave the country nagkasama pa kami sa isang hospital, na sinumpa ko talaga..hehehe anyways ayun nga..eh di kamustahan to the max, naging close din kasi kami nun nung nagrereview sya for the boards, ako ang ginawang tuitor nun, hindi naman ung literal na tuitor, madalas kami nun na magkatext, tinetext ko sya ng mga question na na-encounter ko sa board exam ko then he will answer me, oh diba aksaya sa load, but that time ok lang kasi may unlimited na nun. Natutuwa lang ako nung nakausap ko sya the other day, biinati ko kasi sya kasi nakita ko sa updates nya ung bagong pics nila ng gf nya, akalain mong 4 years na pala sila, parang kelan lang eh nangungulit din sa akin ng textmate ung mokong na un, at ngaun going strong ang relationship nya with his gf, then ako naman ang kinamusta nya, on how I’m going here sa Saudi, musta ang work, musta ang mga kasama ko dito, then syempre hindi rin nawala ang question sa lovelife, kung dati ang lage kong sagot sa kanya eh zero ang love life ko, ngaun syempre hindi na, I’m happy being occupied with someone, then un kamustahan pano ako nagkaron ng bf, and plans nila ng gf nya, pati na din ung sa akin, then nung bandang huli na nag message na lang sya na, “kahit mahirap ang sitwasyon nyong dalawa jan ng bf mo, just enjoy and keep the relationship going, alam kong matagal mo ng hinahangad na magkaron ng mamahalin at mamahalin ka din” after kong mabasa yan, napangiti na lang ako, kasi nasabi nya un, from a friend na parang ang laki ng care sa’yo, na sa isang tulad nya na hindi ko naman ganun ka close eh nasabi ung mga ganung bagay sa akin, tama naman sya, kahit mahirap, kahit alam ko sa sarili kong may mga magdadaang problema sa pagitan naming dalawa, lalo na sa distansya naming dalawa kailangan naming i-work out ung relasyong sinimulan namin kung gusto talaga naming maging kami hanggang huli.

Then isa pang kabarkada ko naman ang bigla na lang nagtext sa roaming ko, hindi na kasi kami nag-aabot sa chat kaya nag text na lang sya, recently kasi nakachat ko ung bf nya, eto namang friend ko na ‘to sya ung isa sa mga pinakaclose ko sa barkada namin nung college, palage ako sa kanya nag-oopen ng mga sama ng loob ko, kagagahan ko, mga kalokohan ko, nakikiride on lang kasi yan sa mga kabaliwan ko noon, pero syempre dun lang sa tama pero pag mali na eh sermon naman ang inaabot ko sa kanya..lolz* then nasabi ko na sa kanya na meron na akong bf, at syempre kwento din how we started, then now lage ng napag-uusapan ung mga plans, when it comes sa relationship set up medyo may hawig kami ng konti, she will be facing a long distance relationship din, kasi pinili nyang pumunta ng Europe, and hindi kasama ung bf nya, she needs to do that kasi na rin sa family niya, medyo hirap kasi sila sa buhay and kapatid din nya hindi ganun ka stable ang trabaho at nagsimula na din ng pamilya na sinusuportahan din nya kahit papano, so wala syang choice gustuhin man nya na magkasama sila ng bf nya kung saang lupalop man ay hindi nya kaya, kasi hindi sya pwedeng magstay sa pinas ng matagal kasi problema na ang panggastos, so ayun nga, na-isahre ko lang sa kanya ung mga plans namin ni kritz, na kung hindi matuloy ung Canada we will try to go sa UAE at dun magtrabaho, kahit magkaiba ung work namin atleast we are in the same country at open dun na pwede kaming magkasama kahit hindi pa kami kasal. So syempre happy naman ung kabarkada ko sa akin, she told happy sya kasi nakikita na nya akong masaya, ung hindi na ako puro problema at worry sa buhay, at sana daw tuloy tuloy na, sinagot ko lang sa kanya, sana nga tuloy tuloy na, kung hindi naman ok lang ulit masaktan atleast pinakita ko sa kanya ng buong-buo ung pagmamahal ko sa kanya, wlang hesitation kahit wala ng matira sa akin, alam ko naman sa bawat problema na kakaharapin ko jan lang si god to help me. Tapos sagot nya sa akin, “ok..ikaw ang bahala, ayoko na lang na Makita kang masaktan ulit.”

Tulad ng mga nasabi ko na sa mga ibang post ko, I’m so blessed with everything na meron na ako ngaun, blessed sa family, relatives,, kaibigan sa trabaho at last sa lovelife na din. This persons and things in my life makes me realize how god loves me, oo paminsan minsan nadadapa at totoong nasasaktan pero there will always a way god will give me, for me to stand up every trial he’s giving.

Hay naku nagdadrama na naman ako…tapusin na nga eto…basta ngaun, alam ko masaya ako sa lahat ng nangyayari and I will continue enjoying things as it is….

La lang…mag-reminisce lang ako ng konti, kasi walang pasyente at inaantok ako, kaya gagawa na lang ako ng entry. I will make a little reminiscing thing for the past weeks.

Ang bilis talaga ng panahon at akalain mong magdadalawang buwan na kami ng aking hubby, at sa loob ng dalawang buwan na un eh marami ng nangyari, ewan ko ba every start of the month eh binibigyan kami ng trial ni god, lage na lang may hindi pagkakaunawaan every starting of the month.

Naging usapan na naming dalawa na every after sweldo na lang nya sya pupunta at dadalaw dito, kasi masyado namang magagastos kung every week eh nandito sya para dumalaw at Makita ako, kasi wala naman syang sasakyan para gasoline lang ang maging gastos nya everytime na pupunta sya dito.  So un na nga, the first time na dapat magkikita kami, hindi natuloy un kasi halos simot ang sweldo nya kasi ipinadala sa pinas, which kinagalit ko sa kanya that time, not the sense na he remitted money sa pinas, but the thought na hindi sya nagtira sa akin kahit konti, maiintindihan ko pa that time kung ilang isang araw lang naming plinano un, kaso hindi eh, it’s almost a week na we are waiting for that day to come then suddenly hindi matutuloy, kaya un todo drama ang beauty ko kasi sobrang nasaktan din talaga ako. Then after that, inisip ko na lang in a good way, kasi sobrang magte-take risk talaga ako that time kung tumuloy sya kasi meron nakaduty na nurse na kasamahan kong pana ang sobrang daldal at chismosa, siguro kung natuloy sya that time eh napag-usapan na ako dito sa dispensary in a way maganda na din ung nangyari. So that scene is forgiven and forgotten. We continue our relationship as if nothings happen, Masaya, halos araw-araw na magkausap sa text at sa teleponon din, naging medyo hindi kami magkaintindihan nung nagsimula na ang Ramadan dito, hindi na kasi mag-abot ang mga sched namin, lage na lang syang nag-aadjust para lang makausap ako, halos puro text lang kami kasi nga nakaduty ako and bawal ang tawag, kaya most of the time hindi kami magkaintindihan, at lumalaki kasi hindi namin agad napag-uusapan, and nung Ramadan days eh panay ang overtime nya, halos 9 or 10pm na sya kung magtext sa akin, eh before mga 8pm nasa accumudation na sya, minsan nga naawa na ako sa kanya.

Dumating ulit ang sweldo time nila, nung time na un, ewan ko ba, hindi ko mapigilang hindi ulit magtanong about sa pagpapadala nya, eh sa side ko naman hindi sya nagtatanong, siguro na rin kasi wala namang problema sa side ko sa kanya lang, bago pa magsweldo nya, nababanggit na nya sa akin na this time hindi na sya magpapadala sa mga mama nya kasi nga nakaakyat na naman ang papa nya and expected na meron ng panggastos ang mga mama nya and hindi na nya need magpadala pa, but kasawiang palad eh bago pa mag sweldo ang butihin kong boyfriend eh tumawag na ang kanyang mama and asking na magpadala sya, kasi hindi pa sususweldo ang papa niya, wala na lang akong nasasabi pag ganun na ang kwento nya sa akin, naiisip ko na lang how he feels, kasi pag nangyayari ung ganun ang lungkot na nya, ang drama na ng mga text sa akin, syempre hindi mo naman gustuhin na mahawa eh nahahawa ka talaga, gagawin mo na lang eh i-comfort sya, to show your there kahit ganun na ang sitwasyon nya. At the same time sa side ko naman, hindi ko maiwasang hindi mag-alala, mangamba, kung kami na nga talagang dalawa hanggang sa makarating kami sa altar eh ayaw ko namang madala nya ung ganun ugali, I’m always telling to him, hiindi masamang tumulong, besides parents nya un, family nya, but ilagay sa ayos, kasi minsan sinasabi nya sa akin halos mangutang na sya just to compensate sa needs nila, which is hindi na tama, kung ano lang dapat ung meron un lang ung pagkasyahin, but as of now wala pa ako sa right position para diktahan sya when it comes sap era nya, we are both different people, different responsibility, hindi pa ganun kalaki ung obligasyon namin sa isa’t-isa kaya ok na lang un sa akin.

Then nung Friday na pumunta sya dito after nun nung nasa accumudation na sya, syempre usap pa din kami, usap sa phone at konting texting din, nung patapos na ung usapan namin nun, he supposed to go to sleep na that time, may napag-usapan hindi ko na lang matandaan, basta nabanggit na lang nya sa akin, na nung una nga daw, inisip nya kaya ko lang sya sinagot is just to be “in”, meaning, kasi ung mga karoomate ko lahat may mga jowa na ako na lang that time ang wala pa, so when he came I answered him right away, medyo nasaktan lang ako ng konti dun, but I’ve been true to him na may factor ung sinabi nya na un, but not the whole weight of the thing na sinagot ko sya is dahil lang dun, kung gugustuhin ko talagang magka-bf sana noon pa, but hindi naman kasi ganun ka-simple un, and I’m wanting to have a steady and serious relationship na, yan na ang sinabi ko sa sarili ko after ng break up namin nung ex ko, kasi I’m not getting any younger and I do like to have a family of my own. Nung pagkasabi nya nun, bigla na lang akong nawalan ng gana, hindi na ako masagot sa kanya ng maayos, that time kasi magkausap pa kami sa phone, sya na lang ang nag conclude na nainis at nawalan na ako ng gana.

Then knowing myself, defense mechanism ko na naman ang gumana, nagtext na lang ako sa kanya, telling na nainis na nga ako, and I don’t like the feeling na lage na lang may doubt sa akin ung partner ko, which sa totoo eh ayaw ko talaga. When we are starting, ginagawa ko na lahat just to know him and sya din sa akin, but as days gone by, napapansin ko na every now and then he will always say na he is keeping some space not to be attached to me that much, hindi bigay todo ika nga, hindi buo ung trust nay sa akin sa medaling sabi, kasi he is always considering na ako ung magloloko, ako ung naglalaro, ako ung mang-iiwan, and by sensing that eh hindi ko gusto, kasi unfair para sa akin kasi I’ve been trying my best just to give or to make him feel how important he is to me, tapos sya may hesitation about sa akin, nakakainis lang! at ang tampuhan na yan eh umabot ng siguro tatlong araw, hindi kasi kami magkapag-usap ng maayos, pag nagtetext sya busy naman ako dito sa lab, then that time din umandar na ang pages-self pity ng mahal ko, to the point na he is telling he wants me to let go, aayusin muna daw nya ung gulo sa buhay niya, un daw kasi talaga ang dahilan kaya hindi nya ma-express lahat ng dapat nyang ipakita sa akin kasi alam nyang nasa kanya ung problema. Sa akin naman, about his responsibility to his parents, ok naman un sa akin, I’m just worried, kasi hirap na sya to meet his responsibilities, pinipilit na maibigay ang lahat kahit wala ng matira para sa kanya, un lang ang ayaw ko, and ang isyu ko is for him not to trust me enough tungkol sa relasyon namin, haay buhay nga naman noh.

Pero lahat yan natapos na, he realize na what I’m telling to him, and he understand me for that. Sabi nga ng iba diba, mas masarap ang pagsasama kung paminsan minsan eh nagkakatampuhan kasi both of you will learn how to appreciate of your partner weaknesses and at the end malalaman mong mas mahal mo na pala sya kesa nung una.

And one thing pa pala, natutuwa lang ako sa mama ko, kasi nung nagkatampuhan kami ni kritz nasabi ko sa kanya, and she is very much concerned sa aming dalawa, for me, masarap lang ung feeling kasi parang ramdam din ni mama na Masaya ko with kritz, unlike dun sa nauna, hehehe bad ko talaga! All in all, Masaya ang lahat ngaun, sana hanggang sa dulo ganito, Masaya kami, hindi maiwasan ung konting tampuhan pero sana hindi magbago ung feelings namin sa isa’t-isa…

This day is quite different from all the days I’ve been here at gulf country, bakit kanyo??? I’ve been telling that I have a special someone now and this day, he marked as my day..as he says “lisa da”…lolz*. Dumalaw ang butihin kong boyfriend kanina, kahit pagod at walang tulog ang lola nyo eh sige lang at happy pa din, kasi kasama ko sya, kayakap at syempre, kahit bawala dito, may mga nakaw pa ring eksena, kung ano un…secret na lang..lolz*

But seriously, kahit pagod ako for two consecutive now, kasi nag grocery kami the last day then sobrang daming patient ang dumating, dagdagan pa nun ang unti-unti kong pag prepare ng ipapabaon ko sa aking mahal sa kanilang accumudation, then last night kahit ayaw na ng katawan ko, sige lang kasi minsan lang naman mangyari ‘to, ang mag-effort ako to give him something, bibilang na naman ng isang buwan bago ulit magkita at magkasama, all the effort was worth it, kasi he likes what I prepared, sobrang thank you daw, at ako daw ang sisisihin sa pagtaba nya,hehehe gusto ko un para hindi ako hirap sa difference namin when it comes sa figure thing. May ilang photo session din, kaso mostly hindi ko gusto ung kuha ko, sya lang ang pogi..lolz* ako kita ang double chin, hehehe but anyways ok lang un, as long as we have a quality time together, sobrang treasure na un for me. Hay hindi ko maayos tong entry na to..lolz* bakit kaya mahirap magsulat ng masaya..hehehe pag senti ako ang haba ng nasasabi ko…

 

But anyways, basta happy ako, kahit pagod, kahit walang tulog, babawi na lang ngaun, kasi tanghali pa pasok ko bukas, kulang na lang nito ang makausap ko sila mama, hinahanap hanap ko na din ang pagtwag sa kanila, mula ng nasimulan ko, kahit nagtetext ako iba pa rin ung naririnig ko sila sa telepono, hay…konti na lang, makakauwi na din, ang mamimis ko naman ang mahal ko na maiiwan ko dito, hay buhay nga naman oh…mahihirapan siguro kaming pareho kasi nasasanay na kami ngaun na lageng nagkikita after ng sweldo, hay konting tiis lang din at aayos din ang lahat….

Ramadan days na ngaun dito sa gitnang silangan, this is my second Ramadan here in Saudi, it means that my longing to get home become closer and closer, and following this is ber months na…whoooo…mabilis na lang ang panahon at 2010 na, at masisilayan ko na din ang lupang sinilangan. But one sad part of going home, I will leave my hubby alone here in Saudi, hay, kalungkot lang, mas lalo ko syang mamimis when I go back home, kasi dun Malaya na ako I can go wherever I wanted to go, ng MAG-ISA lang…lolz* but ganun talaga need kumita ng pera, tiis na lang ulit muna.

Our ramadan duty kahit nung last year din eh masakit talaga sa ulo, last year, medyo ok pa ang binigay na sched sa akin nun, mostly kasi ng sched ko nun eh morning, pero ngaun sobrang sakit nya sa ulo, lalo ung split duty namin, you have 9:30am shift up to 12:30pm then ang evening shift mo eh 6:30pm pa ng hapon, at matatapos naman sya ng 11:30pm, diba sakit sa ulo, mas ok pa yan ng konti, kesa nung unang bigay na sched talaga which is matatapos kami ng 12:30am then may pasok kami ng 9 in the morning. Isa pang prob. Ko when it comes sa Ramadan duty eh, ang pag-uusap namin ng hubby ko, kasi recently lang pinagbawal sa site nila ang pagdadala at paggamit ng cellphone, so sa habang nasa site sya hindi kami nakakapag-usap, pag dumating na lang sya sa bahay dun na lang kami mag-uusap, which is nasa duty naman na ako when he got home, diba ang saya! Nung hindi kasi Ramadan, I can talk with him after 9:30pm, either when I’m doing split duty or evening duty, kasi after 9:30pm pag evening duty ako, wala na akong kasama dito sa lab, at pag split naman ako tapos na ang duty ko ng 9:30, so pwede na kaming mag-usap sa phone, but now Ramadan days, hanggang text lang ang usapan namin, minsan pag sobrang busy pa eh to the extent na hindi na talaga kami nakakapag-usap. Nung monthsary nga namin, un hindi kami nakapag-usap kasi sobrang daming patient ang dumating, na halos hindi na ako nakatext sa kanya at nakatulog na sya sa kakaiintay sa akin, nun nagtampo ako ng konti pero wala naman ako magagawa diba, hindi nya kasalan, nor hindi ko din, kasi trabaho un diba, kaya un give way na rin.

Then ngaun tumawag naman ako sa bahay namin, nakasanayan ko na kasi un, mula nung natutunan ko ung marhaba card dito, mas mura kasi ang tawag pag un ang gamit namin kesa sa normal na call sa mga gamit naming network dito. So un pag evening shift ako mega tawag ako sa aking mother dearest, kwento kwento ng kung anu-ano, parang nasa tabi lang nya ako pag nagkwento un, parang mga bonding moments namin nung nasa pinas pa ako, then now, nagawa ko ding maging open sa kanila tungkol sa lovelife ko, mula nung sinabi kong may boyfriend na ako dito, hindi pwedeng hindi pag-usapan si syobak pag tumatawag ako sa kanya, mega kamusta ang aking moder kung kamusta na ang pag-sasama namin, un kinukwento ko mga nangyayari sa amin, in a way it makes some strong bond sa aming dalawa ng mama ko, although bond between the two of us is there already, mas lalo pang tumitibay pag nag-oopen na ako ng mga ganung bagay tungkol sa lovelife ko, she always giving advices din sa akin kung pano ang magiging plan namin, kasi un talaga ang nag papagulo ng isip ko nowadays, hindi ko din kasi mapigilang hindi mag-isip kasi whether I like it or not haharapin ko din sya, ung fact na halos magkahiwalay talaga kami sa isa’t-isa, habang hindi pa nga siguro ako tali sa kanya as his wife eh parang hanggang ganito muna kami, naka hang, hindi nagkakaron ng bonding, quality time para sa isa’t-isa. But sabi nga ni mama, nasa pagpaplano at pag-uusap lang yan, as long as nandyan kami para sa isa’t-isa walang problema, ang dami naman daw means of communication sa ngaun so wala ng masyadong problema. May point naman dun ang aking mahal na nanay, pero gusto ko lang ung magkakilala lang kami ng husto, iba pa din kasi ung nagkakasama kayo diba, may mga words kasing ang daling sabihin pero mahirap panindigan kung minsan, saka gusto ko ung bond or connection namin maging malalim pa.

But as of now, I’m very thankful on how our relationship is going on, puno ng understanding sa isa’t-isa and making our own little ways to show how we love each other very much, kahit pa we are physically away from each other. Doing our little sacrifices sometimes, dahil na din sa pagkakaiba ng oras namin sa trabaho, jan ko sya appreciated sa mga little sacrifices nya for me, para hindi lang kami mag-away, and I love him very much for that, simple pero para sa akin it’s a big thing.

Yan lang ang happy moments ko ngaun, happy and contented of what  I have right now, a good career, good family and having a special someone who I know love me very much, and very big thank you para kay papa jesus para sa lahat ng yan, for always blessed me with everything I need..Love you papa jesus….

Dear baby ko….

                Oi one month na pala tau b, akalain mo un..lolz* paano nga ba tau nagsimula, una tayong nagkakilala sa simpleng miscall at isang text lang, last November 2008, nasungitan pa kita nun, kasi naman hindi naman talaga kita kilala pero sinabi mo na agad na bago mo akong kaibigan, but nagbago naman un after sometimes ng inamin mo sa akin kung paano mo nalaman ang number ko, at un na ang simula ng communication natin, kala ko nung una may pupuntahan na ung nasimulan natin na un, pero after ilang araw ng pag-uusap sa text at phone calls na din eh bigla kang nawala ng parang bula, I’m quite disappointed that time kala ko kasi may ini-expect na akong ibang mangyayari pero wala pala, inisip ko na lang nun, hindi mo ako gusto at baka may girlfriend kang naiwan sa pinas. So I continue my life being away from you, ni hindi ko alam kung ano na nangyayari sau, paminsan-minsan tinotopak akong bisitahin ung friendster account mo, pero kadalasan ng shoutout mo nun eh german language..lolz* kaya hindi ako makarelate , minsan din kitang pinadalhan ng message sa friendster reacting sa isang bulletin na pinost mo sa friendster, ang drama kasi nun, naalala ko nun tumawa lang ako sa sobrang drama nun, kasi your pertaining sa lahat ng heartaches na pinagdaanan mo na, and you are telling na may limitasyon lang ang kayang ihandle ng puso mo, pag lumagpas na dun alam mong bibigay na ito at hindi na kayang magmahal pa, naisip ko that time, siguro nagbreak kayo ng girlfriend mo or may niligawan ka na hindi na nag end up pa sa isang romantic ending. After nun wala na akong tandaang naging communication natin. Ilang bagay lang ang alam ko after nun, na magbabakasyon ka sa pinas, kung kelan hindi ko alam, ang ginawa ko na lang na batayan ay ung  isang kasamahan mo sa kompanya nyo na medyo naging close din sa akin. Then after 8 months, kung bibilangin ko talaga sya, 8 months after ng magparamdam ka ulit sa akin, and this time may baon baon ka na para sa akin. Una kala ko simpleng pangangamusta lang ang gagawin mo this time, kasi ang tagal din nung huli tayong nagkausap, but hindi pala, this time pala may binabalak ka na..lolz* balak angkinin ako..lolz* nung una ayaw pang tanggapin ng utak at puso ko ang ginawa mong pagbabalik sa buhay ko, una inisip kong baka meron lang sa company nyo na nangyari kaya mo ako binabalikan, wag kang magagalit pero feeling ko nun nasa isang pustahan ako, kasi that time na bumalik ka sa akin, may ilang nasa kompanya nyo din ang nagtetext sa akin at nagpapahiwatig din na gusto nilang manligaw sa akin, pero naging honest naman ako sa’yo that time, sinabi kong mahirap sa akin ang magtiwala agad, bukod sa may doubt ako sa’yo at sa mga kasama mo sa trabaho, kagagaling ko din lang kasi sa isang sakit sa ulo, but hindi ka nag-give up that time, bagkos ginawa mo pa ang lahat para lang mapatunayan sa akin na your truly decided on what you want from me, and it takes me a little time to think, sobrang little nga diba b, kasi in two days pinayagan kong pumasok ka na ng tuluyan sa buhay ko, sinabi ko na sa’yo ang reason nun, nandito naman kasi tayo sa Saudi, hindi tayo Malaya di tulad sa pinas na Malaya tayong makakapagkita at magkakasama, kaya pinili kong makipagrelasyon sa’yo ng ganung kaaga, para habang hindi pa tayo nagkakasama nakikilala mo na  ako at ganun din ako. At isa pang factor na nagpa-isip sa akin na bigyan ka ng chance ay ung mga sinabi mo sa akin na naalala mo pa ung mga time nung una tayong nagkausap sa text at phone, for that long, hindi mo pa pala talaga ako nakalimutan. And now that we are one month na as a couple, hindi man tayo physically close sa ngaun but in hearts naman eh we’re so much attached.

Naging sobrang attached na nga siguro tayo dahil na din sa isang buwan pa lang marami ng nangyari, muntik pa ngang hindi natin maabot ang isang buwan na ito kung hindi ko lang nilawakan ang pang-unawa at pasensya ko, sa isang buwan na un, muntik ng nawala ang tiwalang nagsisimula ko pa lang buuin dahil na din sa isang pangakong hindi mo natupad sa akin, that time kala mo simpleng hindi pagtupad lang sa pangako ang nangyari pero sa akin, it symbolizes na hindi pa ako ganun ka importante sa buhay mo, hindi ko matanggap ung reason mo that time, but by the help of our dear god I take that as a blessing in disguise, for taking things in risk, kung natuloy kasi un that time, malaki ung possibility na mapahamak ako, so I took it as a blessing na lang, but it really truly hurts me, hindi mo lang alam nun buong araw akong umiyak sa sobrang sama ng loob, gusto ko ng igive up ka, ibang level kasi ang kalaban ko in that instance, hirap kalaban ang pamilya, kasi ganun din ako sa pamilya ko, kahit ano gagawin ko for them, but that thing already finished, nangyari nga lang siguro un sa ating dalawa para magkaron lang tayo ng strong bond sa isa’t-isa, na in that early stage ginawan na tayo ng trial ni god. Sa mga nangyari mas nakilala natin ang isa’t-isa at ngaun pinag-aaralang unawain ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa, palage ko ngang iniisip sa ngaun b, marami pa tayong pagdadaanan, marami pa tayong panahong pag-sasamahan, marami pa tayong buwan at taong bibilangin ng magkasama. Sana lang tulad ng palage nating sinasabi sa bawat isa, sana walang magbago, at sana tayo na ngang dalawa hanggang sa dulo, may we share our dreams together, share everyday of our life happy and contented to one another, palage mong sinasabi sa akin na hindi mo na kayang mawala ako, although it seems b na makakaya kong mawala ka pero ang totoo nun, ako ang sobrang takot na mawala ka pa, ayaw ko ng bumalik sa dating ako na puno ng worries sa buhay, insecurities na din na halos buong buhay ko ng dinadala dito sa sarili ko,  na pagnawala ka na naman hindi ko na alam kung may susunod pa or susundan ko pa bang isa pang heartache pa.

So sa aking pinakamamahal na KRITZ ANTHONY, baby ko, thanks for coming into my life again, and for sticking with me, for loving me and for always being there for me, I know mahirap ang sitwasyon natin ngaun, kahit gustuhin nating magkasama hindi natin magawa, pero alam ko darating din ung time na aayon sa atin ang panahon at mapapadama natin ang pagmamahalan natin sa isa’t-isa ng buong buo b, sana b walang magbago, sana hindi ka magbago sa akin, and I will assure you na hinding hindi rin ako magbabago sa’yo, hindi man natin alam kung ano ang nakalaan sa atin sa mga susunod pang buwan, pero nadadalangin naman un diba, as long as we love each other and we’re here to one another, malalabanan natin kung anuman ang ibibigay ng panahon sa atin, hope we will count more months, not only  months  but counting years that we will share together, and praying that each passing months and years will make us strong as a couple…love you so much b..happy first monthsary mahal ko…

This year was my second time to celebrate my birthday here abroad, what was happen yesterday was quite wonderful, all things set right. All my preparation was great and all of the important people in my life were there to greet me. (wow, tama na ang English dumudugo na ilong ko…lolz*)

Midnight pa lang dito nag greet na ang aking little sister, sinundan ni mama at sumunod na papa at tita ko, wala masyadong tawag akong natanggap but iba ung feeling ko kahapon, masaya, parang kakaiba, pati celebration namin sa lab iba din ung dating, isa na nga lang ang kulang kahapon eh, and makasama ko physically ang aking pinakamamahal na boyfriend, un kasi hirap dito sa Saudi, hindi mo makapiling ung mga mahal mo in opposite sex..hay…hindi rin kami nakapag-usap ng maayos kahapon, hindi kami nakapag-usap thru phone, thru text lang kasi on duty ako then after 9:30pm nagkainan naman kami sa lab, wala ng time para makapag-usap kami ng baby ko.

At isa pang masaya sa pakiramdam ngaun kasi halos lahat ng malalapit sa akin dito sa Saudi eh nakita ko ung effort to make me happy, nakasama at nakita ko sila, una kala Dianne at Ronald, nag-abala pa ang mag-asawa na pumunta dito to give me something, and to greet me personally also, off duty kasi si Dianne, wala lang touch lang ako, last year kasi hindi naman ganito, then si iah, hindi ko akalaing mag-order pa un ng pagkain para mai-share ko sa kainan namin sa lab, hindi ko nga lang nakita si dino na supposed to be na mag-greet din sa akin..sayang…then sa lab, I prepared pansit at fruit salad as they requested to me to prepared, lahat sila nasarapan sa pansit ko, un na daw ang pnakamasarap na preparation ko sa lahat, sabi pa ni chichi the best daw un, at kaya daw lahat ng preparation ko this time eh masarap dahil napakasaya ko daw ngaun, last year daw kasi wala akong habibi (boyfriend sa Arabic) kaya most of the preparation last year eh good lang hindi very good..lolz* so for me masarap lang ang pakiramdam kasi lahat sila nasiyahan sa mga hinanda ko, at grabe sirang-sira ang diet ko kahapon sobrang dami kong nakain kahapon, sobra halos hindi na ako makahinga sa busog, kaya ngaun balak ko mag tinapay na lang..lolz*

Over all I was so happy in my special day yesterday, lahat sya nasa ayos, lahat sya nangyari ng masaya, lahat nakita ko ung importansya ko. Maybe tama si chichi na inspired ako ngaun than last year, inspired in a way na this year I’m feeling complete, in all aspect in life, from the family, to career at syempre sa love life, kung dati ang lage kong dalangin eh dumating na sya, now god answered my prayers, nandyan na sya ngaun, just a correct timing lang sa pagdating bago dumating ang importanteng araw sa buhay ko. For our dear God, I’m so thankful to have this life, that all this years you are giving me, tama nga sila sa mga sinasabi nila sa akin, kung lumuha man ako, masaktan man ako noon, un eh hindi sa gusto mo ako masaktan at pasakitan, kung hindi gusto mo akong i-mold for my better future, future together with my habibi, together with my family, salamat po Lord..ngaun ang tanging hiling ko na lang, kayo nap o ang bahala sa mga mangyayari pa sa buhay namin, sa mga magiging plano namin sa buhay, alam ko naman na nandyan lang kau para umalalay, kayo po sana ang magpatakbo ng relasyon naming dalawa, matutunan pa po sana naming dalawa na lalo pang mahalin ang bawat isa sa mga dadaan pang mga araw sa aming dalawa, at magawa po ang mga plano namin ng magkasama…muli po salamat ng marami panginoon…patnubay at gabay sa mga susunod pang mga taon na ipagkakaloob mo sa akin at sa mga mahal ko sa buhay…

Wow, this day I’m getting one year older again, but its ok ‘coz it’s a blessing that god given me another year to live here in earth.

This day I’m turning 24, maraming nagsasabi ang tanda ko na daw, at syempre sa parents ko lang ako hindi pa matanda, bata pa daw ako, alam nyo na kung saang aspect ang sinasabi ng mga magulang ko, mga takot pa ang mga yan, lalo na ang aking mother dearest…lolz* but maiba tau, ano na nga ba ang nangyari sa akin in my 24 years of existence..

Una…sa career muna tayo, last year nasimulan ko ng i-expand ang career ko into a higher level ang i-practice ang aking profession outside the country, hindi naging maganda ang umpisa ng move na un sa buhay ko but when I step my feet here, unti-unti nakasanayan at nakita ko na din ang benefit kung bakit ako nagdesisyon ng pumunta dito. Maling simulan ang mga bagay na un ng may galit sa puso ko, pero nangyari na eh, ang kabutihan lang nun, nakuha ko ang ibig na ipahiwatig sa akin ng mga nangyari noon, oo puno ng inis at galit ang puso ko ng umalis ng bansa, pati na din ang ilang mga unang buwan ng stay ko dito, pero pagkatapos nun, unti-unti habang nilalabas ko ang mga sakit at galit sa dibdib ko ay natutunan kong tanggapin at maunawaaan bakit ako nandito ngaun, para sa kabutihan ko din naman, kaya ngaun, malapit ng matapos ang sakripisyo ko, nakita ko na din ang magandang bunga ng lahat ng sakit na una kong naramdaman ng papunta ako dito, all of it is worth it, and now I’m counting the months left that I’ve staying here, and finally to get in the arms of my love ones once again…

Second…as a person… 24 years of my life has been wonderful all this years, even sa childhood pa ang pag-uusapan, hanggang eto nandito na ako milya milya ang layo sa mga mahal sa buhay. As person sasabihin kong lumaki ako ng maayos, with my values na tinuro sa akin ng mga magulang ko, na-appreciate ko lahat ng mga aral na binigay at pinamulat nila sa akin nung nagtatrabaho na ako dito, natututo akong magdesisyon ng sa sarili ko ng tama at nasa wasto, lumalim ang pagtingin ko sa buhay, pasasalamat sa pag mulat sa akin nila mama sa buhay-buhay, na hindi lang puro sarap sa buhay, pati na din mga problema, na masasabi ko halos kalahati sa bigat sa buhay ang kaya kong harapin. Nagpapasalamat sa pamilyang kinalakihan ko at sa paraan kung paano ako pinalaki nila mama, na minulat ako sa hirap at sarap ng buhay, sobrang thankful ako kung ano man ang meron ako ngaun.

Pangatlo…bilang anak, pamangkin at kapatid… eto bilang anak, nakapagtapos na ako ng pag-aaral, sinisikap hanapin ang kapalaran sa ibayong dagat, para sa kinabukasan na gustong maabot ko pati na din ng mga magulang ko para sa akin. Nakapagtapos ng maganda ang mga marka sa skwela, minsan may pagkapilya pero most of the time naman eh masunurin akong anak, alam yan ng mga kabarkada ko mula high school at college, nung college pa nga tukso nila sa akin ang bait ko dawn a anak, kasi school bahay lang ako, minsan lang nila ako ma-BI..lolz* lumaki akong ang laki ng takot ko sa magulang ko, lumaki akong lage kong gustong ipadama sa kanila na pwede din nila akong maipagmalaki, pati sa mga tito, tita ko, pilit kong inaabot ung mga expectation nila sa akin, lalo na ung malalapit sa akin, madaming pressure pero ok lang, kapalit naman kasi nun ung maramdaman mo ung pagmamahal nila sa akin, ung suporta nila sa lahat ng gagawin at nagawa mo na sa buhay, na kahit madapa ka kung minsan nanjan sila para iahon ka, at palakasin ka para sa susunod pang hamon sa buhay.  Bilang kapatid naman sa aking nag-iisa kapatid, ngaun binigyan ko sya ng lahat ng suporta na kailangan nya, kahit nga financial pa yan ibinibigay ko kasi dun lang ako babawi, dahil nung nasa mundo pa ako ng pag-aaral hindi ko talaga sya natutulungan, hindi kasi ako matyagang magturo at gumawa ng kung anu-ano, ngaun na konti na lang ang tensyong dinadala ko, kayak o na syang bigyan ng suportang noon ko pa dapat binigay sa kanya, kaya eto kahit medyo minsan hindi ko na kaya, sige lang basta sa kanya, gusto ko kasing Makita din sya kung saan ako ngaun, na masayang ginagawa ang natapos kong propesyon, kumikita ng maayos at nabibili ang anumang gustong bilhin, nakakabigay ng ligaya sa mga magulang namin, nag-iisa lang sya at wala na akong mamahalin pa kung hindi sya lang.

 

Sa lovelife naman tayo… una masasabi ko hindi ‘to dapat makasama sa list ko ngaun sa pagtingin ko sa sarili ko ngaun, nung nakakaraan kasing gusto kong gumawa ng birthday post ko eh, zero ang aking mundo pagdating sa pag-ibig, but a week before my birthday month, may isang dating kakilala ang bumalik at nagparamdam ulit sa buhay ko, kala ko nung umpisa simpleng pangungumusta lang ang gagawin nyang pagdaan ulit sa buhay ko, tulad ng una nyang ginawa a year ago, simpleng nagkakilala lang sa text, konting tawag sa telepono at ilang araw lang tapos na, pero iba pala ang nangyari sa kanya nung mga oras na un, sige dito ko na ishare how it happened…. A year ago, may isang strange number ang nagmizcol sa akin nun, as normal na ginagawa ko, knowing I have relatives din na nagtatrabaho dito, nagtext or nagmimizcol din ako sa mga unknown na number na tumatawag sa akin, then for him he answered me, like I’ve been known him already, bago ko daw syang kaibigan, so defense mechanism ng lola mo, nagtaray, pinakita ang sungit side, kasi hindi ko gusto the way he knows my number that time, nakuha nya kasi ang number ko sa isang kakikilala lang din, but after sometimes, binawi ko na din ang pagiging mataray ko na un, nagkaroon ng konting kwentuhan then after a week of talking with him, bigla syang nawala, na wala namang dahilan, ni hindi man lang sya nagpaliwanag why he will avoid me. Then after almost a year, bigla syang nagparamdam ulit sa akin, and this time, may dala na ang mokong, una he is asking if I have a bofriend at kung huli na daw ba sya sa pagbabalik nya sa buhay ko , at first hindi ko maintindihan bakit sya bumalik at nagpaparamdam na agad ng mga ganun, that time din kasi may mga kasabayan sya na nagte-text sa akin na same company as him, so unang tumakbo sa isip ko baka naman magkakakilala ang mga ‘to at pinagtitripan lang ako, but as days pass by, medyo naging desidido ang lolo mo, at palage ng nakatawag at text sa akin, then telling the three magical word for me every day he is sending me message to me, then sinabi ko sa sarili ko, why not try, baka nga sincere naman sya sa sinasabi nya sa akin, and way back then his been good to me, at na-amazed lang ako sa fact na clear pa sa memory nya lahat ng nangyari nung una kaming magkausap, he’s reason for me when he leave me and not to communicate with me tha time is, kasi broken hearted pa daw ako at baka pag nagsabi syang gusto nya ako, baka daw maging panakip butas lang sya at hindi ko naman talaga mamahalin, and this time daw siguro naman enough na ung time na binigay nya sa akin for my heart to heal at give a space for him, nung narinig ko un from him, lalo akong na-amazed na ganun talaga ung ginawa nya sa akin, binigyan pa ako ng time talaga to heal, hindi lang nya alam mga pinagdaanan ko when he given me that time to heal ,lalo pa akong nasaktan hindi ako naghilom, kung hindi lalo pang lumalim ung sakit dahil sobrang daming disappointments na ang nagyari sa time na binigay nya sa akin. After a week, nakakahiya mang aminin, ginawa naming dalawa na formal ung relasyon namin, for me, ganun kadali kasi I wanted to know him deeply, know him better, kasi hindi sya magkakaron ng responsibility sa akin kung hindi ko gagawin un, and being here in this stupid place, hindi medaling magpaligaw, at tumanggap ng pagmamahal, suntok talaga sa buwan ang pumasok sa relasyon pag nandito ka sa Saudi. So un July 26, 2009…we officially become a couple, kahit physically apart, kahit gustuhin naming magkita man lang after duty hours or something eh hindi rin namin magawa, titiisin na lang, one form of challenge din to sa relasyon namin, dito mapapatibay ung samahan na binibuo namin ngaun. Kaya sa aking mahal na kasintahan, salamat sa pagdating, sa pagdating ulit, for saving me in my worrying days, worrying about my future to this side of life, like we told I while ago sa usap natin sa phone, sana ikaw na nga, sana tau na ngang dalawa hanggang sa dulo, sana hindi mo ako iwan, sana hindi magbago ang pagtingin at nararamdaman mo sa akin, basta …salamat kasi dumating ka b…salamat ng marami…love you…

 

This birthday of mine this year, is more a lot of happiness in my heart, in my whole being, for being blessed always although I’ve been hurting most of the time, when it comes to work, for love thing, but now I would say, I am really happy for what I have now, a wonderful family, wonderful friends, wonderful career, and a wonderful love life, nothing to ask more, just praying that all this things that I’m keeping right now will last as far as my life can run….until in my last breath…. I’m hoping for a better years ahead of me…thank you dear god….

Isang old acquaintance ang nagparamdam sa akin last week, what do I mean, dati ko na syang nakatext nun, naging laman na din sya ng blog ko dati sa multiply site ko, kasi isa din sya sa naging mga disappointments ko nung mga time na un, we just talk that time for about a week lang then he suddenly disappear, wala ng naging communication after, pa minsan minsan tinitingnan ko lang ang friendster nya, kung ano mga updates nya, then suddenly last week nagparamdam sya sa akin, that time marami sa mga katrabaho nya sa kompanya ang nagtetext sa akin, binigay na naman kasi ang number ko, same person who given my number to him, so un na nga, unang text nya sa akin kamusta, hindi ko pinansin un kasi hindi na nga nakasave sa akin ung number nya, then someone miscall me, same number nung pinangtext nya, then I replied sino to? then dun na nya sinabi na si kritz daw sya, KRITZ was his name, then tumakbo na sa isip ko, oh bat biglang nagparamdam to sa akin, eh last year pa nung huli kaming nagkausap nito, then un na sinimulan na nya, unang pasaring sa akin, hindi daw nya alam pero he keep on thinking about me, kaya daw nagtext sya baka daw namiss nya ako, being hurt recently lang, hindi ko masyadong pinansin un, sinagot ko na lang ng, ah talaga…musta na, musta bakasyon? Nagbakasyon kasi siya nun, halos kasabayan nya si kuya (ung nagbigay ng number ko sa kanya!) tapos nun nagtuloy tuloy na, hanggang sa may sinabi na sya…  I LOVE YOU… oh nabigla naman talaga ang lola nyo nung sinabi nya yan, hindi pa nagsink sa akin na seryoso nap ala sya, sabi ko nga galing pa ako sa isang panloloko so hirap sa akin ang magtiwala agad agad na mga pagkakataong ito, then tinanong nya ako kung huli na daw ba sya sa pagbabalik nya ulit sa buhay ko, sabi ko kung ang ibig nyang sabihin ay kung meron na akong boyfriend, eh sa kasawiang palad eh wala pa, at ayon na, hindi ko inaakalang un pala ang signal nya para sabihin na sa akin na gusto na nya akong i-pursue at maging girlfriend nya.

Sabi nya sa akin, eventhough sa maikling panahon lang ung naging conversation namin noon, tumatak daw un sa puso nya, and now eh hindi na daw nya mapigilan na hindi ako i-pursue hanggang sa maging kaming dalawa, knowing him last year, he’s bit ok for me, he has the qualities that I’ve been longing for a guy, isa na dun ang pagiging mahilig nya sa music and playing instrument, specially guitar, and he finished his studies also, and mabait naman kahit paano, napaisip ako sa mga sinabi nya sa akin ng araw na un, gusto daw nya ipakita kung gaano ako ka-importante para sa kanya, then I’ve been honest with him, sabi ko kagagaling ko lang sa trauma, sobrang recent lang kaya hindi ko alam ang isasagot sa kanya, he said he is willing to wait, and sabi pa nya, pagbigyan ko lang daw sya, at malalaman nyang worth it ung pag-oopen ko para sa kanya, then after two days na pag-uusap namin ulit, I decided na why not give a chance for him, baka malay ko ba kung sya na talaga, then after nun, lalong gumaang ang loob ko sa kanya, then after sometimes, nasabi ko na lang sa kanya na pwede na nya akong tawaging “B”, that time kasi tinanong nya ako kung anong gusto kong tawagan namin as friends daw,(tumatakbo sa isip ko nun lumulusot lang ‘to eh!) then un na, sabi nya “B” stands for baby ba? Sagot ko lang siguro, then dun na nagsimula ang lahat, we finally make the relationship formal.

Hindi ko naman pinagsisihan na ginawa ko un for a little span of time, kasi as days pass by lalo kong nakikita ung worth ko sa kanya, kung gaano ako ka-importante sa kanya, one nga tinanong ko na lang sya, bakit ngaun lang sya ulit bumalik at nagparamdam sa akin, sabi nya kasi, nung time daw last year, nagconfess ako sa kanya na broken hearted pa ako, so nag make way daw muna sya for me to heal, ayaw dawn yang pumasok at maging panakip butas lang sa sitwasyon ko noon, at ngaun daw sinubukan lang nya kung available pa ako at nung nalaman nyang I’m very much available, dun na daw sya nag-isip na time na para maging kanya ako. Come to think of it, while I’m talking with him kanina, dun ako na-amazed sa mga sinabi nya, na all this time pala he keep on following me on his silent way, he keep visiting my friendster account once in a while, kanina pa sinabi nya na nag-grab sya ng isang picture ko dun, after hearing those words kanina halong flattered and amazed na meron pa lang taong nagke-care sa akin all this time at naghihintay lang ng tama nyang panahon para tuluyang pumasok sa buhay ko, sabi pa nya kanina, sinubukan lang nyang kamustahin ako to know kung ok na ako at kung available pa ako, at nung nalaman nya na ok na ako at hindi pa rin naging kami nung ex ko, sorry na lang daw sya at magiging kanya na daw ako, diba, sobra sa spirit and mokong na ‘to, and the best line he told me this day, naisip daw nya na we’re destined to be together. Siguro nga we’re destined to be together, may mga dumating din kasi bago sya bumalik ulit sa buhay ko pero hindi nagwork out instead give the pain that I don’t deserved from the start.

Now that I finally found him, and spending our little time together, sana sya na nga, sana sya na ang makakasama ko habang buhay, sana ito na ung dulo ng journey naming dalawa, journey to finally found our partners forever. We keep on saying those words to one another, lalo na when we are talking sa mga plans namin together, alam ko OA kung sasabihin, pero nagpaplano na kami for one another, for my side, totally different, nag-iba lahat, pero ok lang as long as na kasama ko sya, at hindi sya magbabago sa akin, I am more willing to change everything for him.

Pahapyaw ko na ring nasbi sa mga mama ko na someone is corting me,and I’m beginning to like him, indirectly ko mang sinabing may boyfriend na ako, pero alam ko alam na din un ni mama na boyfriend ko na, and willing naman si Kritz na makipagcommunicate sa mga parents ko, un nga ung kinakatuwa ko sa kanya, sabi nya kanina, gusto daw nya bago ako umuwi ng pinas magaang na loob sa kanya nila mama, para mas mabantayan daw nya ako sa mga lakad ko pagbalik ng pinas, oh diba, hindi pa ako nakakuwi eh may plan na akong bantayan, nasabi naman na nya sa akin un na seloso sya and alam nya dapat ang mga pinupuntahan ko lalo pag umuwi ako ng pinas kasi hindi ko sya kasama.

Ang kalaban lang ng relasyong pinasok ko ay ang magkaroon kami ng quality time together, tulad sa sitwasyon namin ngaun, I’ll be going back home by march, at sya naman by December pa, ang layo noh! And isa pa pag pinagpatuloy nya ung kurso nya, na marine nautical, lalo na hindi ko sya makakasama lage, lage na lang syang out of the country. Pero bahala na si god sa aming dalawa, kung kami na talaga ang tinadhana nya, kahit anong unos pa yan makakaya naming lagpasan, I’m hoping and praying to have sa marriage like my parents, as loyal, sweet and happy as my parents marriage, magkaron sana ako ng pamilyang katulad ng kinalakihan ko, masaya at buo.

So sau aking baby, thanks for coming into my life again, and now for good na, like what I’m always saying to you, I do love you, and hopefully you will not change the way you showing your love to me, sana nga ikaw na baby ang haharapin ko sa harap ng altar, at makakasama habang may buhay pa ako..love you b….

 After the terrible week comes into my life last week,this was a little bit much better, sasabihin ko pang ok na ok, medyo masaya ang takbo ng mga nakalipas na araw para sa akin, naopen kasi ung communication with mr. husky voice, which I like, but ung pinsan naman nya na si mr sensitive eh napapansin pa din..lolz* yesterday lang magkausap kami ni mr. sensitive sa chat, dun lang daw nya nalaman na gusto ko sya, after all what happen! Adik talaga un eh, anyways pinagtripan ko din sya kahapon, sabi ko hindi ko na sya gusto,dati oo nahuhulog ung loob ko sa kanya, pero now wala na, then he followed by next question asking sino na daw ang gusto ko ngaun, sabi ko eh kung sabihin kong ung pinsan mo ang gusto mo???lolz* and tapang ko talaga pagdating sa kanya, ewan ko ba, then he replied na so madami pa akong gusto kasi madami ung pinsan nya na nandito, hindi ko naisip un, then I replied na ung recently na sinabi nya sa akin ung tinutukoy ko, then he replied only with a laugh and ok. Then I replied to him, like asking na nice naman si mr. husky voice diba, then he replied with “Yup, he’s nice” then I told ok, then akala ko matatapos na dun, may pahabol pa syang reply, sabi ba naman, “but I think I’m more nicer,lolz*”  pagkabasa nyan humalakhak talaga ako ng todo, hindi ko kinaya, parang may nakita akong selos thing..lolz* but I keep it to myself, baka mag freak out na naman ang lahat..lolz*

Then funny thing happen this morning, I don’t know what happen to me, I suddenly wake up 5:30 this morning, ang akala ko talaga hapon nung time na un, kasi medyo nag-aagaw na ung dilim at liwanag, kala ko late na ako, un pala umaga pa lang at masyado pang maaga un para sa duty naming 8:30 para sa akin at 9am naman sa mga kasama ko dito sa room. Hindi pa nagsink in sa akin na umaga nun, makailang beses kong tingnan ung relo ko, ung relo ng mga cellphone ko pero pare-parehas lang ng time, taz nakita ko sila, sabi ko 5:30 na eh 4:30 ang pasok ng mga un, so ginising ko talaga sila, hindi pa nun ngsi-sink in talaga na umaga lang un! Then sabi nila sa akin, maaga pa ah, 9am pa ang pasok namin, ikaw ba diba 8:30am, nung sinabi nila un,hindi pa rin nagsink in sa akin, taz sabi ko teka nga muna, then nag-isip isip ako ano ba talaga, wala talaga akng memory nung gabi, then unti-unti lumilinaw na, oo nga umaga pa lang, kainis talaga, nakakahiya pati kasi ginising ko sila ng maaga! Taz nun inaasar na ako, masyado daw akong excited..excited daw kasi baka ngaun pumnta si mr. husky voice sa aming muntiing dispensary para Makita ako ng personal, so ayun tinukso na ako, sinagot ko na lang sila ng mga adik kau, bato sa akin mas adik ako kasi aga kong nagising..lolz* after nun hindi na ako nakatulog talaga, ewan ko ba..

But seriously, hindi ko talaga alam bakit ganun ang nangyari kaninang umaga, basta suddenly na lang nagising ako at ganun na ang apkiramdam ko, na feeling ko hapon na at late na ako, ni wala sa isip kong maging excited kung pupunta man sila mr. husky voice dito, wala talaga promise, kinda kinakabahan lang pero hindi pa naman sure un eh, nakakapunta sila dito.

Pero natatawa lang talaga ako sa sarili ko at ganun ang nangyari sa akin, then nung nasa duty na ako dami naming patient parang ulan sa dami, sunod-sunod, eh kala ko hindi magiging busy nag-online ako, ayun at nag message na si mr. sensitive at nakita ko naman na nakaonline si mr. husky voice siya naman ang sinendan ko ng message, ng reply naman pero un nga naging busy na ako kaya hindi na ako nakipagchikahan pa, then etong si mr. sensitive, hindi siguro busy sa trabaho at nagawang mag send ng magsend ng message sa akin, hanggang sa gumawa sya ng kunwaring story daw. While reading the message, ung story na nga, habang biinabasa un, hindi ko mapigilang hindi mapangiti, hindi mawala ung ngiti sa mukha ko kasi alam ko ung flow ng kwento nya, he written it in English, jan ako bilib at hanga kay mr. sensitive, he has good command of English, parang napakatalino ba..pero hindi naman..lolz* then anyways, I’m reading the story, the story is about daw sa isang guy who named is CHUBSTER , this guy daw went to a country that sucks, but one day, he saw a girl that he became attracted to, hindi daw nya alam if he will be the one who will make move able for them to have a eye to eye contact, then nangyari nga na ganun, he make move but the girl declined him, he became upset daw and feel like miserable, then hanggang dun lang ung memory ko na kwento nya, parang nairita na nung huli kasi hindi nga ako ngarereply, so sabi nya huli, to be continued na lang daw pag meron na daw gustong making sa story nya, or they can send a request for him to continue send to his email and so on and so forth, oh diba dami ng sinabi, hindi lang ako makareply, nung ako na ang nagreply hindi na sumagot sya naman ata ang naging busy, so hinayaan ko na lang nagsend na lang ako ng mga pampalubag lob na message para hindi tuluyang mainis sa akin.

I really don’t know why I keep comning back for being like this to him, pag naasar na yan sa akin, hindi ko na mapigilang hindi manuyo, at magpapansin, at hindi naman ako pinapansin madalas,hay ewan ko ba..sign ba to na mas gusto ko sya, at sya din naman minsan sa mga message nya sa akin parang may nafi-feel akong gusto din nya ako..hay ewan ko..basta ngaun, masaya ako..un na muna ang importante….

This day has full of revelation for me, sa mga nangyari this past few days eh masyadong naging loaded ang buhay ko, sabihin na nating buhay Saudi ko, from my last post ung letter na sinulat ko para sa kanya (pero unsent un!).

Diba nakwento ko na din sau before about dun sa unang nanghingi ng info ko sa isang kaibigan ko din dito, same company sila nung asawa ng kasamahan ko dito, sige bigyan ko sila ng tagged name para madali para sa akin na magkwento, mr. husky voice, sya ung unang naglakas ng loob na manghingi ng info ko sa isang kasamahan nya na nagkataon naman na asawa ng isa sa mga kasama ko dito sa dispensary, then next naman si mr. sensitive, sya ang laman ng sulat ko sa last post ko.

Here we go the story, si mr. husky voice, una ko syang nakita when he viewed my friendster account, nalaman ko agad na sa same company sya tulad nung sa asawa ng kasamahan ko kasi he is connected thru a common friend din which is from same company din, so un na nga, when I first saw him, medyo maganda ung primary pic nya, nakaprivate kasi ung profile nya kaya un lang ang nakita ko, so nagkaron ako ng lakas ng loob na mag message sa kanya, I sak him if sa company ba sya na un nagtatrabaho kasi connected sya dun sa isang kakilala ko dito, so ayun, kinabukasan may sagot agad, and he replied yes, then I replied na thanks sa pag view, so kala ko matatapos na sa ganun, pero may sumunod pang message syang pinadala this time, he asking na for my email adds for friendster and ym, so binigay ko naman, nung mga time kasi na un, parang I wanted to open up myself sa ganung sitwasyoon dito, so no probs binigay ko sa kanya ang email adds ko, after that day din na add nya ako sa friendster at ym na din, for the first few days nagkakausap pa kami sa ym, kamustahan at kuhanan ng personal info, so hinayaan ko lang, until one day hindi na kami mapang-abot sa ym, hindi na din ata sya nag-o-online, so hinayaan ko na.

Si mr. sensitive naman, I meet him to one common friend din, bf naman sya ng kasamahan ko dito, they all in the same company only! So sa akin wala lang, siguro nagkataon lang talaga, atsaka hindi nakakapagtakang dun mangagaling ang ipapakilala sa akin kasi un lang ang circle of friends dito, so un na nga, this guy he called me, the minsan txt din, he also asked for my email adds for ym and friendster, pero mas nauna un gym, para mas tipid, kasi I’m also using mobile messenger so kahit na saan ako pwede kaming mag-usap, kahit nasa duty pa ako, so ayun na nga he already add me up on his list say m, then we begin to talk thru ym, he seems to be good and funny guy, madalli kaming nagkasundo at naging kampante sa isa’t-isa, like what I told sa mga previous post ko! And lately nagkaaway kami ng grabe, that’s why i made I letter for him, saying all the things I wanted to say for him, but dito lang un sa blog ko, sau blog ko lang sinabi ang mga yan, at syempre na rin sa mga circle of friends ko dito sa Saudi.

This day kayak o nasabing full of revelation, kasi napaka-shocking sa akin ang malamang magpinsan pala ang dalawang kalalakihang nabanggit ko sa itaas, Oo! Tama ang nababasa ninyo, magpinsan sila as in mag kamag-anak sila! Oh diba ang saya nun! Nalaman ko lang un sa asawa nung kasamahan ko dito, inaasar kasi ako nun about dun sa nangyari sa akin nung mga nakaraang araw, lage kasi kaming nagkakaabot nun sa ym, so kanina inasar ako and hindi naman sinasadya na nasbi nya sa akin na , magpinsan magkaribal, (magkaribal daw sa akin! Nye!) so un na nga, aba nagulat talaga ako, hindi ko lubos maisip na magpinsan pa la ang dalawang un! Hindi ni minsan nabanggit sa akin ni mr. sensitive na magpinsan sila ni mr. husky voice, kaso ung asawa ng kasamahan ko binitin ako kanina, nagkataon naman kasing may dumating na patient habang kausap ko sya, so syempre tayo’y nandito para magtrabaho so inuna ko ang patient namin, pero itong kaibigan ko na ‘to tinulugan na ako at hindi na sinagot ang gusto kong itanong sa kanya, sa sobrang curious ko kanina, hindi ko napigilang magtanong kay mr. husky voice, tinext ko sya, if pwede akong magtanong sa kanya, hindi ko pa muna nilagay dun ung talagang gusto kong itanong sa kanya kasi baka mag hesitate na hindi ako sagutin, but nun gang reply nya sa akin is ok na ok dawn a magtanong ako sa kanya, reply agad ako na nagtanong kung magpinsan nga sila ni mr. sensitive, at agad nyang sinagot na OO!, omg! Talaga, hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko nung mga time na un! Nakakatuwa lang isiping ang parehong lalake na ‘to na halos sabay na dumating sa buhay ko eh mag pinsan pala! At nakakatawa din na dahil kay mr. husky voice kaya kami nagkabistuhan ni mr. sensitive na we are falling to each other! Oh dib a ang saya! Si mr. sensitive sa hindi ko malamang dahilan hindi man lang nya nabanggit sa akin na mag pinsan sila nun! Kahit na ung time na tinanong nya ako kung kilala ko si mr. husky voice! Grabe talaga…

So inusisa ko na din si mr. husky voice about sa pinsan nya, kasi nakaabot na din sa kanya na something happen between his cousin and I, so una ask pa ako ng info tungkol sa kanila, nasabi kasi sa kin nung asawa ng kasamahan ko na hindi sila magkasundo, medyo ganun nga daw ang sitwasyon kasi umiiwas na tong si mr. sensitive sa kanila, (kanila kasi marami silang magpipinsan na nasa kompanyang un!) so un umabot sa usapang gusto nyang malaman ang buong nangyari sa amin ng pinsan nya, so kinuwento ko naman, and he promised me not to tell to others ung napag-usapan namin.

Sa takbo ng usapan namin ni mr. husky voice, he seems more good than his cousin na naging mas close sa akin , at eventually napasakit din ng ulo ko, he is more mature and more open minded, hindi tulad nung pinsan nya!

Wala lang after knowing all this things nakakatuwa lang isipin na in one time na nameet ko silang dalawa and hindi ko aakalaing connected pala sila sa isa’t-isa. Dumating silang dalawa na siguro in almost the same reason, but now, hindi na ako masyadong ok kay mr. sensitive after all that happen, now I’m opening up myself to mr. husky voice..hehehe lumalandi na ata ako! Hehehe but this time hindi na ako talaga aasa, come what may, hindi ko alam kung san patungo, basta alam ko masaya na ako ngaun, and still I will stay happy, kasi sabi nga nila, I deserved to be….

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.