-
« Home
Pages
-
Categories
-
Archives
Category Archives: family issues…
Hindi eto ung mga koreanovela na pinapalabas sa telebisyon huh, eto ung totoong ibig sabihin ng pag-ibig, ung wagas na pagmamahalan ng dalawang nag-iibigan, wow ang lalim na ng lola nyo! Hindi seriously tungkol eto sa napanood kong episode ng maalala mo kaya, na dinownload ko sa youtube, title nitong episode eh transistor, ung story nagrevolve sa wagas na pagmamahalan ng dalawang mag-asawa, ang sumulat ng istorya nila ay ang isa sa kanilang mga anak, sinalaysay ng kanilang anak ang wagas na pagmamahalan ng kanyang mga magulang, kasi naman lumaki sya na lageng kwento ng kaniyang magulang ang walang kamatayang love story nila, kung paano nagsimula ang munti nilang pamilya.
All throughout the story eh umiiyak ako, kasi naman sobrang touching nung story, umikot na kasi ung story nung matanda na ang mga magulang nya, nagsimula ng makaramdam ng mga sakit at panghihina na ng katawan, unang nagkasakit ang nanay nya, nagkaroon ito ng katarata sa mata at lumaon nga ay tuluyang nabulag eto, hindi iniwan ng tatay nya ang nanay nya ng simulang mabulag eto, sya ang naging mata ng mga eto, kahit anong kailangan ng nanay nila ay ibinibigay ng kanilang ama. Dahil na din sa pareho ng may edad ang kaniyang mga magulang ang ama naman nya ay nadiskubre na may kanser pala eto sa baga, last stage na ng madiskubre nila eto, kaya pinabayan na lang nila eto, bago pa tuluyang manghina ang kanilang ama ay inihanda nito ang kabiyak, hinanda sa pamamagitan ng hindi pag-asa sa kanya, tinuruang kumaing mag isa, ung mga bagay na ginagawa nilang dalawa ay unti-unti na nyang iniiwasan, hinahayaan ng kanilang ama na ang kaniyang ibang anak ang gumawa nito para sa kanya, para hindi lang mahirapan ang kabiyak pag siya ay nawala na, at dumating na nga ang time na nauna ang kanyang ama, nagdamdam ang kanilang ina dahil kahit bulag na eto at wala ng nakikita ay ramdam niya ang tinatago ng kaniyang kabiyak , isa lang ang hiniling ng kanilang nanay sa kanila, na pag oras na din nya hayaan na din eto dahil un na ang pinakamasaya araw sa kanya dahil alam nyang magkakasama na ulit sila ng kaniyang kabiyak. Hay, what a love story noh, nagsimula sila sa isang payak na pamumuhay, nagsikap at napagtapos ang lahat ng anak at hanggang sa huli ay hindi nagbago ang pagtitinginan nila sa isa’t-isa.
Habang pinapanood ko yan ay naiisip ko din ang aking mga magulang, nakikita ko na magiging ganya din sila, kasi mula noon na ngkaisip ako hanggang ngaun hindi nagbabago ang pagtitinginan nilang dalawa, malambing at tapat pa din ang pagmamahalan nilang dalawa, Oo, minsan hindi maiiwasan ang maliit na tampuhan pero nagagawa nilang ayusin eto agad, this year nga eh natapos na nila ang dalwangput limang taon ng kanilang pagsasama, at muli ay nagbibilang pa sa susunod na masasayang taon nilang magkasama, simple lang din ang buhay naming noon, nagsimula din sila mama na sa simpleng paupahan lang nakatira, maliit na kwarto na kasya lang silang dalawa, nagsikap at nagtiyaga ang aking mga magulang para bigyan kami ng magandang kinabukasan, pero kahit noon na sinubok sila ng panahon na nagkahiwalay sila ng halos anim na taon ng piliing magtrabaho ni papa dito noon ay nagawa pa rin nilang maging matatag at lalo pang patibayin ang pagmamahalan nila. Alam nyo isa yan sa sobrang pinagpapasalamat ko sa puong may kapal, ang pagbibigay sa aking ng magandang pamilya, Masaya at puno ng pagmamahal,naging Masaya ang bawat araw ng buhay ko dahil na din sa mga magulang ko na walang sawang pinapakita sa amin ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa. At yan din ang dinadalangin k okay papa jesus na bigyan ako ng ganyang love story din, love story na kagaya ng sa mga magulang ko, ung wagas at totoo…
Hindi eto tungkol sa pagpapakilala ng manliligaw or something, it’s all about friendship lang..hahaha this week kasi napunta ang aking one and only best friend sa bahay namin. Manghihiram lang ng pera for her review para sa borad exam nya, nung una nahihiya pa ung mapunta sa bahay, natatakot daw sya sa mama ko, eh haller naman! Since high school pa lang eh nagpupunta na sila sa bahay, kahit nung college na kami eh minsan nadadalaw din sila sa bahay, so bakit naiilang or matatakot pa diba.
Nung magpunta nga siya nitong nakaraang araw sa bahay, ayun daw at nawala ang takot nya sa mama ko kasi daw eh nakipagkwentuhan pa ito sa kanya, oh diba ang friendly ng nanay ko, lolz*. Pero seriously, maramii talagang nakakamis-interpret sa mama ko, mataray kasing tingnan si mama, parang ako lang, pag sa unang tingin at unang meet natin eh matatarayan ka talaga sa akin, isa lang ang barkada kong feel ko na tanggap nya talaga ng maluwag at gustong gusto nyang kasama ko, un ay ang barkada namin nung high school kung saan kabilang ang aking beloved best friend. Sila lang ang barkada kong pwedeng pumunta sa bahay ng wala ako, nakakakilos at entertain ng nanay ko to the max kahit wala ako sa bahay, siguro kasi nagsimula ang barkada namin ng lage silang nagpupunta sa bahay, nung mga times namin sa high school na may gagawing project lageng sa bahay ang destinasyon namin, medyo malaki kasi ang space sa bahay, maluwang ung pwede naming paggawaan ng project namin. Kaya siguro gumaang ang kalooban ng nanay ko sa kanila, lahat din ng nangyayari sa amin alam ng nanay ko, mga love life ng barkada namin nila bez alam nya, sino ung gusto ng isa, sino ung ayaw nung isa! mga ganung bagay ba, saya lang kung aalahanin mo. Pati ngaung may sari-sarili na kaming career at mga responsibilidad sa buhay ay still open pa din ang bahay sa kanilang lahat, hanggang sa next level siguro ng buhay namin eh connected na kami, hindi lang naman sa side ko sila ganyan eh, pati na din sa pamilya ng bawat isa ay open ang bakarkadahan namin. Sya ng ganito noh, all these years hindi nagbabago.
So un na nga nagpunta si bez sa bahay para kunin ung pera, mag-enroll na kasi sya sa review class nya this Saturday for board exam nya. Hindi akalain ng bez ko na makikipagkwetuhan pa ang aking mother dearest sa kanya, text nga sa akin ni bez, nawala daw ang takot at hiya nya nung nakipagkwentuhan si mama sa kanya. At ako naman bumilis ang tibok ng puso ko ng tinext sa akin ni bez un, kasi ano ung tpic na pinagkwentuhan nila! May pag ka-pilosopo din etong bez ko at isa isahin daw ba ang sagot sa akin,
Ako: “ eh ano naman napagkwentuhan nyo?
Bez: “ eh ano pa, eh di tungkol sau…hahaha”
Ako: “eh ano naman nga ung tungkol sa akin?”
Bez: “ tungkol sa future u…hahaha”
Ako: “ galing mo talaga, nangbibitin kapa eh! Eh ano nga ung tungkol sa future na un! ”
- Pero may kutob na ako sa mga sagot na yan ni bez, na may kinalaman sa lovellife ko ang naging usapan nila ni muder ko! Un lang naman kasi ang interesting na pag-usapan nila eh..lolz*
Bez: “ hindi napag-usapan namin love llife mo, diba nasabi mo na sa akin na ayaw nila kay ___* dati…”
Ako: “ ah, sabi ko na nga ba eh! Yan lang naman ang pwedeng maopen sau ni mama eh”
At ang dami ng sermon ni bez ko sa akin, naungkat na naman ang nakaraan, hay! Sinabi ng aking mahal na muder ang unang impression nya sa ex ko! Oo! Aminado naman ako na sa una pa lang ayaw na nila dun sa tao, pinilit ko lang naman kasi! lolz* pero past is past na, umiyak at nasaktan na ako dahil sa issue na yan kaya wag ng ibalik! dahil sa issue na yan eh eto ako ngaun at balik sa dating ako, mababa ang self confidence at bumalik lahat ng worries sa buhay, hay! Ewan ko ba ang buhay talagang ganyan! Sasaya ka, pero masasaktan ka din naman! Kainis!
Si Priscilla ay lumaki sa isang baryo sa lalawigan ng bulakan. Simple at payak lamang ang buhay nila Priscilla noon, may maliit silang lupain sa kabundukan, kung saan dun sila nagtatanim ng mga gulay, mga puno na nagbubunga ng masasarap na prutas at pati na din palay para sa bigas. Walo silang magkakapatid at siya ang panglima sa mga ito.
Kahit na mahirap lamang ang kanilang pa milya ay nagawa ng kanyang mga magulang ang maihatid sila sa eskwela, dahil na din sa prinsipyo ng kanilang ina na tanging edukasyon lamang ang maibibigay nitong pamana sa kanila. Kaya silang magkakapatid habang nag-aaral ay tumutulong din sa kanilang magulang upang may pangtustos sila sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, isang kwento nun sa akin ni Priscilla na umaakyat sya ng bukid para mamitas ng mga gulay na ibebenta ng kaniyang ina sa palengke pagkatapos, ang iba naman sa kanyang mga kapatid ay gumagawa ng mga minatamis upang ibenta sa mga kaeskwela. Masaya ang pamilya kahit may kakulangan sila sa pera. Ng matapos sa elementarya at sekndarya si Priscilla ay hindi muna ito tumuloy sa kolehiyo sa kadahilanang ang iba sa kanyang mga katatandang kapatid ay nag-aaral din sa kolehiyo, kaya upang makatulong ay nagtrabaho muna eto.ilang taon din ang binilang ni Priscilla ng mabigyan sya ng pagkakataong mag-aral sa kolehiyo, hindi ito tinanggihan ni Priscilla kahit pa ang iba sa kanyang mga kaklase noon ay nakatapos na ng kolehiyo sya ngaun ay magsisimula pa lang, hindi niya binigo ang kanyang nakakatandang kapatid ng lalaki sa pagpapa-aral sa kanya sapo ng kanyang dalawang nakakabatang kapatid. Matapos ang ilang taon ng pagsisikap at pagtitiis ay nakatapos si Priscilla sa kursong Accountancy.
Likas din ang gandang taglay nitong Priscilla, marami sa kanya ay nagkakagusto, at isa nga dito ay ang kanyang kaklase sa kolehiyo, matipuno at may dating din naman ang lalaking ito hindi malaon ay naging sila, kahit na nabuo nila ang kanilang relasyon habang nag-aaral ay hindi ito naging hadlang upang hindi nya matapos ang kanyang kurso bagkos ay naging daan pa ang kanilang relasyon na maging inspirasyon ang bawat isa sa kanilang pagtatapos. At sa huli nga ay nakatapos ang magkasintahan sa parehong kurso.
Matapos ang kanilang pagsusunog ng kilay sa paaralan, lalong lumago ang kanilang pagtitinginan, at hindi lumaon ay pinatibay ito ng batas ng maynila para maging legal na pamilya. Naging masaya ang kanilang pagsasama, kahit sa maliit na paupahang bahay lamang ang kanilang munting tahanan ng nagsama ay masaya pa din. Makalipas ang isang taon ay binayayaan sila ng isang malusog at magandang angel na babae, ang angel na ito ang lalong nagpatatag sa kanila bilang mag-asawa at hindi nga lumaon ay napagpasyahan ng mag-asawa na mangibang bayan ang padre de pamilya upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Mahirap ang ginawang desisyon ng magsing-irog ngunit ito naman ang magiging daan ng kaginhawaan ng kanilang pamumuhay, kaya ang ginawa ni Priscilla ay hindi niya pinutol ang komunikasyon nilang dalawa, lingo-lingo kung pwede nga lang na araw-araw ang sulat nito upang manatili ang lambing nila sa isa’t-isa. Ang kanyang kabiyak ay umuuwi ng pilipinas taon-taon para magbakasyon, hindi nagbago ang pagmamahalan nilang dalawa at paglipas nga ng limang taon ay nasundan ang kanilang angel, isa ito ulit na babae. At makalipas naman ang dalawang taon ay nagpasya na ang mag-asawa na hindi na muli pang bumalik sa ibang bansa ang kanyang kabiyak, ito ay sa kadahilanang sila ay nakapundar na ng sariling bahay at lupa at isang sasakyang gagawing pang-hanapbuhay.
At muli nabuo ang pamilya ni Priscilla, masaya ang bawat sumunod na pangayayri sa kanilang buhay pamilya, hindi maiiwasan ang pagdaan ng mga ilang unos sa buhay ngunit ito ay nalagpasan ni Priscilla kasama ang kabiyak at muling bumangon sa mga unos na dinaanan. Ngaun napagtapos na ni Priscilla ang kanyang unang angel sa kursong Medical technology at ngaun ay hinahanap ang kapalaran sa ibang bansa. At ang kanyang ikalawang angel ay kasalukuyang nasa kolehiyo sa kanyang kursong engineering, ang negosyong pinasok nila noon ay may awa ang panginoon ay yumayabong pa at syempre ang pagmamahalan nilang dalawang mag-asawa ay kasing tamis pa rin tulad ng una.
***************************
Sa aking pinakamamahal na ina, totoo ngang ang dami mo ng pinagdaan sa buhay , sinasabi nilang simpleng may bahay ka lang na naghihintay ng sweldo ni papa noon nung nandito sya sa Saudi, hindi lang nila alam diba ma! Ako bilang unang angel nyo ang nakasaksi sa halos siguro ay half ng pinagdaanan natin sa buhay, mula sa unang pagkalugmok natin, sa matapang na pag-anggat ulit natin sa buhay, at nakita ko ung pag-ahon na un dahil sa katatagan mo ma… alam ko ung tatag na un na nakita ko sau ay ang sobrang pagmamahal mo sa amin..ur the best ma in the whole wide world, kahit minsan sa madalas ay ikaw ang nakaka-absorb ng mga topak ko pag umiiral ang pagkaisip bata ko, alam mo namang mahal na mahal kita, kayo po ni papa ang dahilan bakit ako nakikipagsapalaran dito sa ibang bansa, at tulad nga ng mga sinasabi ko sau sa text konting tiis na lang at makakasama na ulit tau, sobrang miss na miss ko na po kayo…
Para sa’iyo aking pinakamamahal na MAMA….
MALIGAYANG BATI PO….