Musta na nga ba ako???? Masasabi ko for the last few days and weeks I’m bit ok now, not fully recovered syempre, pero unti-unti ng bumabangon, crawling pero I know darating din ung araw na makakalakad din ako ulit ng maayos.
Aaminin ko sa nakalipas na isang buwan, durog na durog ako, halos hindi ko na Makita ang mga piraso ng katauhan at puso ko sa sobrang pagkadurog nun, sa mga ginawa nya sa akin hindi ko alam bakit ko kailangang dumaan sa lahat ng mga un.
Masaya naman ung naging takbo ng relasyon, kahit na alam kong may mga pagkukulang sya sa akin, ok na lang un dahil naiintindihan ko naman, but ung communication na hinihingi ko sa kanya recently un ang nagbago ng lahat, bigla na lang kasing naging ganun, bigla na lang nawala ung sigla ng pakikitungo nya sa akin.
Hindi ko alam saan nagsimula lahat ng problema na un, but each passing days na miserable ako, daming tinatanong ung utak ko, saan nga ba nagsimula lahat? dahil lang ba sa problema ng pamilya nya? dahil ba sa akin? dahil bas a pag-uwi ko dahil ba sa ilang bagay na feeling nya natapakan ko na ung ego nya? Dahil ba sa iniisip nyang pagkakalayo naming dalawa?
Una sa mga naisip ko, ung sinabi nyang problema ng pamilya nila. I know kahit hindi nya sabihin, sobrang hirap un para sa kanya, sobrang sakit ng nangyayari ngaun, tulad na din ng nasabi nya sa akin dati, “ikaw ba hindi ka masasaktan na magising ka na lang isang araw na ung kinalakihan mong pamilya ay masisira na, na hindi na mabubuo pa??” I know I don’t really feel how hard it is for him, pero sa makailang ulit ko ng sinabi sa kanya, pwede naman nya akong maging sandalan, kahit makinig na lang ako sa mga problema nya ok na sa akin, dito nya ako masusubukan kung iiwan ko ba sya in the middle of crisis na bibigay ako agad, na ngaun alam kong mahina sya dun ako susuko at iiwan sya, at nung mga panahon na un at kahit pa nga kung sa mapa hanggang sa ngaun kaya ko yung gawin para sa kanya, a simple thing that signifies how important he is to me. Nung nagkaayos tau after ilang araw na hindi mo ako kinausap,, dun tinggap ko na ang magiging buhay ko kung ikaw man ang makakasama ko talaga buong buhay ko, hindi lang plano nating dalawa ang inisip ko na agad but a plan together with your sisters, nandun na naisip kong ung bunsong kapatid mo ay makasama natin hanggang sa magka-pamilya tayo, kasi I’m expecting that you will support her studies hanggang sa makatapos sya ng koelhiyo, which nasa grade school pa lang sya ngaun, ung isang kapatid mo na magtatapos ng HRM this coming year, I’m planning to get her pag nasa UAE na ako, kasi in naman ang kurso nya dun, maraming opportunity na nag-aabang sa kanya dun, so habang nandun tayong dalawa at nagtatrabaho din nandun din sya and working together with us para mas mapagaang ung responsibilidad na nakaatang sa mga balikat mo, at magagawa pa din nating maging masaya at maipagpatuloy ung relasyon natin. Pero…..hindi na un mangyayari kasi ngaun pa lang sinuko mo na ako, kasi ngaun pa lang pinanghinaan ka na ng loob sa kaya nating gawing dalawa para pagsabayin ung responsibilities mo at relasyon natin dalawa, wala eh minaliit mo agad ung kakayahan kong sumabay sa agos ng buhay mo.
Pangalawa…tungkol siguro sa kakaharapin nating layo sa isa’t-isa, kasi dito nga lang sa Saudi katumbas na natin ang nasa isang Long distance affair eh iniisip mo na pano pa kaya kung nasa pinas na ako at ikaw ay nandito. Dun lumitaw ung tiwala mo sa akin, you don’t trust me enough para hindi muna subukan kung anong mangyayari when I go back home, kung magbabago ba si Lisa, kung kalilimutan nab a nya ako when she go back home, na alam mong marami na akong mapagkakabalahan marami na akong makakasama at maaaliw ko na ang sarili ko kahit papaano hindi tulad ng nandito ako sa Saudi na halos sau lang umiikot ang mundo ko. Eto lang masasabi ko, hindi pa nga natin sinisimulan, malayo pa may ilang buwan pa, bago dumating ung araw na un, sinuko mo na ako, hinyaang mo ng masaktan ako at half of me ay magalit sau, half of me will be filled of too much anger for what have you done to me, for keep me hanging on something na hindi mo pa nasusubukan inayawan mo na agad, kahit isang taon pa ang intayin ko sau makakaya ko un, as long as maramdaman kong nanjan ka lang, nanjan ka lang at mahal pa ako, kasi ikaw mahal na mahal ko eh! Pero sabi ko nga, wala na un, kasi wala ka na din eh…
Isa pang naisip kong nagtrigger sau sa pag-iisip na baka hindi nating makaya na malayo sa isa’t-isa ng halos isang taon eh etong blog ko, ikaw ang may gustong malaman itong blog na ‘to, ikaw ang nagsabing lalawakan mo ang isip mo sa mga mababasa mo dito, ay! Oo nga at nilawakan mo ang pang-unawa at sa pagbasa ng mga laman nito nakakuha ng idea na pakawalan na lang ako para hindi na ako mahirapan, na dadalhin ko pa ung hirap na dinadala mo ngaun, thank you sa malawak na pang-unawa, kasi ng dahil dyan sa mga katwiran mo na hindi naman magkakaron ng impak sa akin ay nasaktan lang ako ng husto hindi sya nakabuti, bagkos sobra nun ako nasaktan at pinahirapan.
May mga realization lang akong mga naisip nung mga time na pinagtaguan mo ako ulit, but this time alam kong ako na ang dahilan nito, hindi na pamilya mo na sinabi mong pinagtataguan mo, hindi mo pa nga siguro ako mahal talaga, mahal man pero hindi pa sapat para maging lakas mo ako sa bawat pagsubok na kinakaharap mo, maging inspirasyon mo para bumangon at lumaban sa bawat hamon ng buhay na isipin mong kailangan kong lumaban at magsumikap para sa akin para magkasama na tayong dalawa, siguro hindi pa sapat ung pagmamahal na nararamdaman mo para magawa lahat ng yan, kaya sa simpleng bagay lang umayaw ka na, ikaw ang may sabi nung unang nadisapoint ako sau, na wag sana akong sumuko agad, na walang bibitaw kahit anong mangyari….anong nangyari sa mga salitang un???anong nangyari at ikaw nag unang bumitaw ngaun? Ikaw ang unang sumuko?
Pero sa lahat ng mga nangyari, sana isang araw dumating na makausa mo ako ulit, I’m willing, pakikinggan lang kita hindi na ako magkokomento pa, alam ko namang tapos na tayong dalawa eh, tanggap ko na un, gusto ko lang malaman bakit nangyari lahat ng ‘to, bakit mo nagawang sumuko agad, gusto ko lang malaman, at pagkatapos nun, you can continue your life without me, kung gusto mo ng kaibigan na makakausap, you can reach for me, kung kaya ko, sasagot ako…just clear it up before I finally go back home, that what I’m longing for from you for the last time…